Palaisipan

Ano ang Palaisipan?

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang angking katalinuhan ng lumulutas nito. Kadalasan itong nilalaro upang magpatay ng oras.

Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.

Kadalasang nililikha ang mga ito bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsasaliksik sa matematika.

Ang pagsubok na laruin ito ay susukat sa kakayanan ng indibidwal na sumagot at gumawa ng mga solusyon sa mga problemang dala ng mga palaisipan.

Mga Halimbawa

TanongSagot
Paano aakyatin ng isang tao ang punong hitik na hitik sa bunga kung ang unggoy na bantay nito ay naroon sa taas ng puno at nagpapahinga?Batuhin mo ang unggoy at babatuhin ka rin nito ng mga bunga kaya hindi mo na kailangang umakyat pa sa puno.
Si Anne ay isa sa limang magkakapatid, ang mga pangalan nila mula sa panganay ay Nana, Nene, Nini, Nono at?Anne, kasi lima lang silang magkakapatid.
Ano naman ang mayroon sa aso na mayroon din sa pusa na wala sa ibon ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?Letrang A

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Halimbawa ng Bugtong

ADVERTISEMENT
loading...