Pahiyas Festival

Ang Pahiyas Festival ay isang makulay na kapistahan na idinaraos sa ika-15 araw ng Mayo ng mga taga-Lucban, bilang paggunita kay San Isidro de Labrador.

Pagtungtong ng Mayo 15, isa pang selebrasyon para kay San Isidro Labrador ang sisipa sa Lucban, Quezon.

Kasaysayan

Nagsimula ang tradisyon ng Pahiyas sa isang pasasalamat ng mga ninuno ng mga taga-Lucban sa mga anito.

Nagtitipon-tipon sila sa isang “tuklong” o maliit na bahay kung saan magpupugay sila sa kanilang mga Diyos at magsasalo-salo upang masiguro ang masaganang ani sa susunod na tao.

Nang dumating ang Kristyanismo sa bansa, patuloy pa rin nila itong isinasagawa ngunit dinala nila sa simbahan ang kanilang ani na siyang binasbasan ng pari bilang pasasalamat sa Panginoon.

Basahin: Sampung Utos ng Diyos

Sa mga sumunod pang taon, mas dumami ang kanilang ani na lalong nagpatibay ng kanilang pananampalataya sa Diyos at sa patron nitong si San Isidro Labrador.

Kilala bilang isa sa pinakamalaki at pinakamakulay na pista ng Pilipinas, na hindi dapat palampasin upang maki-isa sa Pahiyas Festival dahil isa itong tradisyunal na pagbibigay pasasalamat ng mga magsasaka sa isang masaganang ani.

Nagpapasiklaban din ang mga taga-Lucban tuwing Pahiyas, lahat sila ay kinukulayan at dinedekurasyunan ang mga bahay ngg mga Kiping. Isang hugis dahon na pang-adorno, at mga ani tulad ng mga prutas at gulay na pinagmulan ng salitang “payas” o “pahiyas”

Basahin: Panagbenga Festival

Isang parada ng mga imahe ni San Isidro ang nagaganap sa harap ng makukulay na bahay na ito. Ayon sa kanilang tradisyon, pag mas makulay ang iyong tahanan sa pagdaan ng prusisyon, ay magiging masagana ang iyong buhay ngayon taon.

Basahin din: Sinulog Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...