Octavina

Ang oktabina o oktabinang Pilipino (octavina sa Ingles) ay isang Pilipinong instrumentong nasa anyo ng klasikal na gitara at may pagkakahalintulad sa lute.

Dahil sa malaking impluwensiya ng Kastila noong panahon ng kanilang kolonya, magmula sa ika-16 hanggang ika-19 daantaon, maraming tradisyunal na Kastilang mga instrumento ang napaloob at napasama sa kultura nating mga Pilipino.

Makalipas ang ilang taon, talaga ngang umunlad ang mga natatanging instrumento. Ang Kastilang prekursor sa octavina ay maaaring may maliit na katawan at may 14 na mga bagting na instrumentong halintulad sa bandurya na tinatawag na octavilla.

Bagaman ang paggamit ng octavilla ay hindi kasing tanyag tulad sa octavina. Ang pangalang ito ay naisaling-wika sa lahat ng mga bersiyon ng instrumento na mayroong unlapi na octa- na tumutukoy naman sa pagtotono ng bawat isang pangkat ng pinagdalawa o dobleng mga bagting o kuwerdas.

Basahin: Kudyapi

Ang octavina ay mas malaki kaysa sa bandurya at ang hugis nito ay tulad ng isang gitarang maliit. Tulad ng bandurya, ay marami rin itong kuwerdas na tinutugtog sa pamamagitan ng pick. Ito rin ang tenor ng grupo sapagkat mataginting ang timbre nitong intrumentong ito.

Ito ay kahugis ng klasikal na gitarang hugis numero otso (8) na may bilog na butas sa bandang gitna at may maikling leeg.

Basahin din: Julian Felipe
Mga Instrumentong Musikal

ADVERTISEMENT
loading...