Nicanor Abelardo

Si Nicanor Abelardo ay isang Pilipinong kompositor ng mga awitin sa pelikula o entablado. Kabilang din siya sa “Tatlong Haligi ng Musikang Filipino”.

Kasama sa tatlo sina Francisco Santiago, ang unang Pilipinong Direktor ng UP Konserbatoryo ng Musika; at Antonio Molina na ginawaran ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1973.

Isinilang si Nicanor Abelardo noong ika-7 ng Pebrero taong 1893 sa San Miguel de Mayumo, Bulacan.

Si Nicanor Abelardo ang unang Pilipinong kompositor na lumikha ng Concerto in B Flat Minor para piyano at orkestra noong 1923, na gumamit ng mga temang batay sa awiting-bayan.

Basahin: Karunungang Bayan

Higit na kilala rin si Abelardo dahil sa kaniyang mga likhang awit na kadalasan ay siya rin ang sumulat ng titik. Kabilang naman sa mga awit na isinulat niya sa estilong kundiman ang mga sumusunod:

PamagatTitik
Nasaan ka Irog?Nemesio Asistio
Kung Hindi Man, Magbalik ka HirangFilomena Alcanar
Himutok, Paghanga, Sa Libingan ng IrogPedro Icasiano
Kundiman ng LuhaJose Corazon de Jesus

Ang kundiman ayon kay Abelardo ay “isang awit na nagtatampok sa isang lalaking nagmamahal o nagdedeklara ng pagkakait sa sarili upang sundin ang nasa ng babaeng minamahal”.

Ang halimbawa naman ng mga awit na may makabayang titik na nilikha niya ay Ang Aking Bayan at Ultimo Adios (titik: Jose Rizal).

Nakapaglikha rin siya ng musika para sa sarsuwelang Tagalog. Kabilang dito ang Sumilang ni Basilio Lanuza at Dakilang Punglo ni Servando de los Angeles.

Ang kilalang awit na Bituing Marikit ay nilikha rin ni Nicanor Abelardo para sa sarsuwelang Dakilang Punglo. Tinagurian din siyang Ama ng Filipinong Sonata para sa kaniyang mga obrang Sonata in G Major noong 1921, Sonata for Violin and Piano noong 1931, at Sonata for String Quartette (1932).

Tinangka rin niyang lumikha ng Symphony subalit hindi ito natapos dahil sa kaniyang maagang pagpanaw noong ika-21 ng Marso taong 1934.

Basahin din: Severino Reyes
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...