Ang Pambansang Wika | Tagalog

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa Pambansang Wikang (National Language) Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

  • Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas / National Language of the Philippines

National Language of the Philippines

Pambansang Wika
Photo from: Google

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang Pasipiko.

Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:

  • Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa.
  • Tagalog: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon.
  • Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko.
  • Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
  • Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
  • Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu.
  • Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo.
  • Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.

Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.