Ang Kalabaw ang tinaguriang Pambansang Hayop ng Pilipinas (National Animal of the Philippines), isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam pati sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya.

  • Ang Pambansang Hayop ng Pilipinas / National Animal of the Philippines

Ang Pambansang Hayop ng Pilipinas

Kalabaw
Photo from: Wikipedia

Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw nang 18 hanggang 20 taon at maaring umabot ang timbang nila sa 800 kilo sa kanilang pagtanda. Parehong may sungay ang babae’t lalaking kalabaw. Itim naman ang karaniwang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa kabuuan ng kanilang katawan habang mabuhok ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot.

Bagamat tahimik, maaring sila’y mag-ingay kapag nabulabog. Kadalasang makikitang nagpapalamig ang mga kalabaw sa mga putikan, dahil na rin wala sila ng mga tinatawag na sweat glands. Mabuti ito sa kanilang kalusugan dahil hindi lamang sila nagpapalamig kundi nagkakaroon rin sila ng kalasag laban sa mga insekto.

Damo at iba pang halamang ligaw ang kinakain ng mga kalabaw at kadalasang tuwing umaga sila kumakain. Sa ibang bahagi ng daigdig, mahalaga ang mga kalabaw dahil sa kanilang gatas at karne.

Likas ang mga kalabaw sa Pilipinas at karaniwan ito’y isang alaga. Ngunit, kahit papaano kailangan parin itong pahalagahan at alagaan. Sa katunayan, noong 1925, nagkakahalaga ng 50 piso ang isang kalabaw na may kamahalan na sa panahong iyon. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw. Kalabaw din ang nagrerepresenta ng Philippine Daily Inquirer na nagngangalang Guyito.

Mula sa Pilipinas ang mga kalabaw ng Guam. Dinala ang mga ito mula pa noong kapanahunan ng mga Kastila. Tulad ng mga Pilipino, ginagamit din ng mga taga-Guam ang kalabaw sa pagsasaka. Tinuturing rin itong pambansang simbolo. Minsan sa mga kapistahan nagkakaroon sila ng mga karera ng mga kalabaw. Karaniwan rin itong ginagamit ng mga bata na para sakyan tuwing may pista. Kabilang na sa karaniwang kultura ang mga kalabaw doon. Isang halimbawa nito ang pampaskong awit na “Jungle Bells” hango sa kantang “Jingle Bells”, kung saan inihahambing ang pagsakay sa kalabaw sa pagsakay sa kabayo. Minsan ring kinakain ang karne ng kalabaw.

Bagamat malaki ang bilang ng mga kalabaw noong panahong 1900, kakaunti na lamang sila ngayon. Isang katangi-tanging lugar ay ang U.S. Naval Magazine sa barangay ng Santa Rita, kung saan naproprotektahan ang mga kalabaw dahil sa pagkabakod ng Naval Magazine sa lahat ng sulok.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here