Mount Pinatubo

Ang Bundok Pinatubo o Mount Pinatubo sa Ingles ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa interseksiyon ng mga lalawigan ng Zambalez, Tarlac, at Pampanga.

Noong unang panahon ay hindi pa gaanong napapansin ang bundok na ito at tila mabigat ang erosyon nito. Makapag ang gubat nito na sinusuportahan ng mga ilang libo na mga katutubong Aeta, na lumikas sa mga patag na lugar patungo sa mga bundok na sinakop ng mga Kastila noong 1565.

Kamakailan, dumating ang hindi inaasahang pagsabog ng bulkan noong ika-16 ng Hulyo taongg 1991 pagkatapos ng 600 taong pagkatahimik nito, ang lungsod ng Angeles ang sumalo sa galit ng bulkan, na ikinasira ng tulay ng Abacan dahilan sa pagsabog nito.

Basahin: Mount Apo

Sa lungsod ng Porac, Pampanga, sa ilalim ng pangangalaga ni dating Alkaldeng si Roy David ay labis na nasira at naputol ang tulay ng Mancatian. Lumikha ng isa sa mga pinakamalaki at pinakamarahas na pagputok sa ika-20 siglo noong ika-15 ng Hunyo taong 1991.

Ang Mount Pinatubo ay umaabot sa taas na 25-30 kilometro at 10 kilometro ang lapad ng pagsabog. Nagdulot ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ang paglikas ng mga libo-libong katao mula sa mga karatig na lugar.

Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Ayon sa mga katutubong Aeta, ang pagsabog ay dulot ng galit ng kanilang Panginoong si Namayari.

Noong ika-1 ng Oktubre taong 1991, nalubog ang Barangay Cabalantian, Bacolor at ilang mga baryo doon at sa San Fernando. Dahil sa labis na takot ay nagpagawa ng dike ang dating Pangulo na si Fidel V. Ramos at tinawag itong FVR Megadike.

Makalipas ang ilang buwan ay napuno ng Asul-Berdeng tubigg ang bundok at nagkaroon ng lawa na may parehong pangalan sa bulkan, isa sa pinaka-tanyag na ruta patungong bundok sa barangay Santa Juliana sa Capas, Tarlac.

Basahin din: Mga Anyong Tubig
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...