Moriones Festival

Ang Moriones Festival ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque. Dito isinasadula ang paghihirap ni Hesus para sa atin.

Kasaysayan

Nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus.

Naging Inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa lansangan.

Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at ikalabing-pitong siglo na morion.

Basahin: Dinagyang Festival

Ang morion ay tawag sa helmet na may mataas na palamuting balahibo ng mga sundalong Europeo noong ika-16 siglo.

Ang Moriones Festival ay sinasariwa ang buhay ng isang senturyong Romano na si Longinus. Ang mga kaganapan ng pista ay nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa pagsasadula, ang moriones ay isang komedya hinggil sa paghahanap, pagdakip, at pagpugot ng ulo kay Longinus. Buong linggo ng Mahal na Araw, ang moriones ay pumaparada paikot-ikot sa poblasyon upang kunwari’y hanapin siya.

Basahin: Traslacion

Si Longinus ay isang senturyong Romano na bulag ang isang mata. Ayon sa alamat, sinibat ni Longinus ang tagiliran ni Hesus habang nakapako sa Krus.

Ang dugo mula sa tagiliran ni Hesus ay tumalsik sa kaniyang bulag na mata at naibalik nito ang kaniyang patingin.

Pinaniniwalaan din na dahil dito ay nagbago ang pananaw ni Longinus bilang isang Romano at naging Kristyano.

Tuwing linggo ng pagkabuhay, isinasadula ng mga bayan ng Boac, Gasan, Santa Cruz, Buenavista, at Mogpog sa Marinduque ang pagpugot sa ulo ni Longinus.

Basahin din: Kadayawan Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...