Monumento

Ang Andres Bonifacio National Monumento o mas kilala bilang Monumento ay ang pangunahing palatandaan at simbolo ng Lungsod ng Kalookan.

Ang Monumento ni Bonifacio ay matatagpuan sa hilagang dulo ng EDSA at ng Abenida Rizal. Noong 1930, itinaguyod ang isang timpalak para sa disenyo ng monumento ni Bonifacio.

Pinasinayaan naman ang Monumento noong ika-30 ng Nobyembre taong 1933 sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng kapanganakan ni Bonifacio at ang likha na ito ni Guillermo Tolentino ang nahirang na nagwagi.

Bahagi din ito ng mga estasyon ng Manila Light Rail Transit System o LRT at kasalukuyang dinadaanan ng mga tao upang makasakay sa tren.

Basahin: Liwasang Bonifacio

Matatagpuan dito ang dambana para sa pambansang bayani at tagapagtatag, Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio, at ang obra maestra ng Pambansang Alagad ng Sining ng Sining Biswal na si Guillermo Tolentino.

Sumusukat ng taas na 45 talampakan ang pylon o tore nito. Nakahapon naman sa tuktok ang may-bagwis na pigurang tagumpay. Kinakatawan ng oktagonong paanan ng pylon ang unang walong lalawigang nag-aklas laban sa pamahalaang EspaƱol.

Ligid ang pylon ng 23 estatwang gawa sa tanso, ilan sa mga pigura ang kina Bonifacio, Emilio Jacinto, at ang tatlong paring martir, pati na rin ang sa ilang di-kilalang Katipunerong sumisimbolo ng Sigaw ng Pugadlawin.

Basahin din: Quezon Memorial Circle
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...