Miguel Lopez de Legazpi

Si Miguel Lopez de Legazpi o kilala rin sa bansag na “Ang Gobernador” ay isang Baskong Espanyol kongkistador na unang nagtatag ng kolonya sa Pilipinas.

Siya ay isinilang noong 1510 sa Zumarraga, Spain, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martinez Lopez de Legazpi at Elvira Gurruchategui.

Ang Espanyol o Kastilang eksplorer na nagtatag ng pamayanang Espanyol sa Pilipinas ay naging makapangyarihan sa sinakop na bansa at tumagal ng hanggang sa Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898.

Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang isang konsehal sa pamahalaang munisipal ng kaniyang bayan.

Basahin: Ferdinand Magellan

Noong 1528, matapos magtayo si Hernan Cortes ng mga paninirahan sa Mexico, nagtungo siya roon upang magsimulang muli dahil sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang at ang hindi niya pagtanggap sa kaniyang nakatatandang kapatid na minana ang lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya.

Sa panahon ng pananakop, madaling napabagsak ni Miguel Lopez de Legazpi ang di maayos at hindi organisadong hukbo ng mga Pilipino. Ang mga Muslim naman sa katimugan ng isla ay nakipaglaban din sa Espanyol hanggang ika-19 na siglo ngunit ang Islam ay mahina sa bahaging Luzon at pati na rin sa hilagang bansa.

Naglingkod at namuno siya Miguel Lopez de Legazpi bilang unang gobernador ng Pilipinas mula taong 1565 hanggang 1572 na siyang taon ng kaniyang pagkamatay.

Basahin din: Panahon ng mga Hapones
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...