Mga Pista sa Pilipinas

Ang mga pista sa Pilipinas (Festivals in the Philippines) ay mga taunang pinagdiriwang dito sa ating bansa bilang pag-alala sa mga kasaysayan nito.

Bawat pista ay mahalaga dahil talaga namang masarap sa pakiramdam ang ipagdiwang ang mga ito. Lahat ng tao ay nakikisaya, nagtutulungan upang maging matagumpay ang selebrasyon.

May mga kumpetisyon din ang mga pista sa Pilipinas tulad ng pagsasayaw, kantahan, pagandahan ng kasuotan at marami pang iba.

Hindi mawawala sa pista ang pagsasayaw ng mga katutubong sayaw, sinasabing isa itong ritwal na kung saan ay magkakaroon ka ng masaganang ani dahil sa pakiki-isa sa selebrasyong ito.

Basahin: Araw ng Kagitingan

Isa rin sa dahilan ang pagdiriwang ng mga pista kung bakit dinarayo ang bawat lalawigan sa bansa upang makita o maranasan ng mga dayuhan kung paano nga ba ito isinasagawa.

Mahalaga ang mga taunang pagdiriwang ng mga ito sapagkat dito mo makikita ang pagtutulungan ng bawat Pilipino hinggil sa kung ano man ang kanilang estado sa buhay, mahirap man o mayaman ay talaga ngang nakiki-isa para ipakita ang pagsuporta sa kani-kanilang lalawigang tinitirhan.

Narito ang halimbawa ng mga Pista sa Pilipinas (Festivals in the Philippines):

Sinulog Festival Ipinagdiriwang tuwing Ikatlong Linggo ng Enero
Panagbenga Festival Buong Buwan ng Pebrero
Pahiyas Festival Ika-15 ng Mayo
Ati-Atihan Festival Ikalawang Linggo ng Enero
Dinagyang Festival Ika-4 na Linggo ng Enero
Kadayawan Festival Ikatlong Linggo ng Agosto
MassKara Festival Ikatlong Linggo ng Oktubre
Moriones Festival Tuwing Mahal na Araw sa Pulo ng Marinduque
Pintados Festival Ika-29 ng Hunyo

Marami pang pista ang ipinagdiriwang sa ating bansa, ang iilan sa mga halimbawa na aming ibinahagi ay ang mga pinaka-popular.

Basahin din: Dambana ng Kagitingan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...