Mga Anyong Tubig

Ang Mga Anyong Tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar hanggang sa isa pang lugar ay tinuturing ding anyong tubig.

BASAHIN DIN: Mga Anyong Lupa

Uri ng mga Anyong Tubig

Batis – Tubig tabang na maagos, mas maliit at mababaw kaysa ilog.

Tubig tabang na maagos, mas maliit at mababaw kaysa ilog.

Ilog – Tubig tabang na may tiyak na daanan o agos sa simula hanggang sa hantungan.

Tubig tabang na may tiyak na daanan o agos sa simula hanggang sa hantungan.

Bukal – Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Sapa – Hindi maagos na anyong tubig, maliit at mababaw kaysa lawa.

Hindi maagos na anyong tubig, maliit at mababaw kaysa lawa.

Lawa – Anyo ng tubig na hindi umaagos. Ito ay napapaligiran ng lupa.

Anyo ng tubig na hindi umaagos. Ito ay napapaligiran ng lupa.

Talon – Tubig tabang na umaagos mula sa bundok na mataas at mabatong lugar.

Tubig tabang na umaagos mula sa bundok na mataas at mabatong lugar.

Dalampasigan – Baybaying dagat, mabuhangin o mabato na sinasalpukan ng alon.

Baybaying dagat, mabuhangin o mabato na sinasalpukan ng alon.

Dagat – Ang dagat ay malawak na anyong tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Ang dagat ay malawak na anyong tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Karagatan – Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig, Maalat ang tubig nito.

Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig, Maalat ang tubig nito.

Ilan sa mga anyong tubig ang mga sumusunod:

Dagat

Ang dagat ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.

  • Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.

Karagatan

Ang karagatan ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

  • Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Luzon, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao. Sa ibayong-dagat, ilan sa mga dagat ay Dagat Timog Tsina, Dagat Dilaw, Dagat Bering, Dagat Mediteraneo, Dagat Karibe, Dagat Itim, at Dagat Pula.

Ilog

Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.

  • Kabilang sa mga ilog sa Pilipinas ang Ilog Agusan, Ilog Marikina, at Ilog Agno. Sa ibang bansa naman ang Ilog Yangtze, Ilog Ganges, Ilog Nilo, Ilog Mississippi, at Ilog Amazon.

Sangang-ilog

Ang sangang-ilog (tributary) ay isang batis o ilog na dumadaloy sa pangunahing tangkay (o magulang) na ilog o lawa.

  • Isang halimbawa rito ay ang Ilog Peñaranda na isa sa mga sangang-ilog ng Ilog Pampanga.

Wawa

Ang wawa (estuary) ay isang bahagyang nakasarang anyong tubig sa baybaying-dagat na may isa o higit pang mga ilog o sapang dumadaloy rito, at may malayang koneksiyon sa bukas na dagat.Delta

Delta

Ang delta ay ang lokasyon kung saang dumadaloy ang ilog sa karagatan, dagat, wawa, lawa, o imbakan ng tubig.Look

Look

Ang look ay isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

  • Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas. Sa ibayong-dagat, kabilang sa mga look ay Look ng Bengal, Look ng Korea, at Look ng San Francisco.

Golpo

Ang golpo ay isang malawak na look.

  • Ilan sa mga tanyag na golpo ay ang Golpo ng Leyte at Golpo ng Lingayen sa Pilipinas, at Golpong Persiko at Golpo ng Mehiko sa ibang bansa.

Lawa

Ang lawa ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

  • Ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao, at Lawa ng Naujan ay mga halimbawa ng mga lawa sa Pilipinas. Ang mga halimbawa sa ibang bansa naman ay ang Lawa ng Michigan, Lawa ng Victoria, at Lawa ng Baikal.

Bukal

Ang bukal ay isang anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.Kipot

Ang kipot ay isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

  • May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito. Kabilang dito ang Kipot ng San Juanico sa Silangang Kabisayaan.

Bambang

Ang bambang (channel) ay isang pisikal na hangganan ng isang ilog o karagatang kipot na binubuo ng sahig ng anyong tubig at mga pampang.

  • Ilan sa mga kilalang bambang ay ang Bambang ng Bashi at Bambang ng Balintang sa Pilipinas, at ang Bambang ng Inglatera sa Europa.

Talon

Ang talon ay isang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.

  • Kabilang sa mga talon ay ang Talon ng Maria Cristina sa Pilipinas at Talon ng Anghel sa Timog Amerika.

Batis

Ang batis ay isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.Danaw

Ang danaw o laguna ay isang mababaw na anyong tubig na nakahiwalay mula sa mas-malaking anyong-tubig sa pamamagitan ng mga pulong barrera (barrier islands) o bahura.Imbakan ng tubig

Ang imbakan ng tubig (reservoir) ay isang lugar na nagpapa-imbak ng tubig para sa maraming mga paggamit (lalo na ang maiinom na tubig) na maaaring likas o artipisyal.

  • Isa sa kilalang mga imbakan ng tubig sa Pilipinas ay ang Angat Reservoir sa Bulacan (iniimbak ng Saplad ng Angat).

Kanal

Ang kanal o agusan ay isang artipisyal na daanang tubig na karaniwang nakaugnay sa (at kung minsan, ini-uugnay ang) umiiral na mga lawa, ilog, o karagatan.

  • Kabilang sa mga tanyag na kanal ang Kanal Suez at ang Agusan ng Panama.

Piyordo

Ang piyordo (fjord) ay isang makipot na inlet ng dagat sa pagitan ng mga bangin o matarik na mga dalisdis.

Basahin din: MGA ANYONG LUPA

ADVERTISEMENT
loading...