Mga Anyong Lupa

Ang Mga Anyong Lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.

BASAHIN DIN: Mga Anyong Tubig

Uri ng mga Anyong Lupa

Burol (Hill) – Mataas na parte ng lupa na mas maliit kaysa bundok.

Anyong Lupa - Burol
Mataas na parte ng lupa na mas maliit kaysa bundok.

Bundok (Mountain) – Halos 600 metrong taas nna may hugis apang lupa na kulay bughaw sa malayo.

Anyong Lupa - Bundok
Halos 600 metrong taas nna may hugis apang lupa na kulay bughaw sa malayo.

Bulkan (Volcano) – Bundok na may hugis puswelong butas na nilalabasan ng mga nagbabagang bato kapag ito ay pumuputok.

Bulkan
Bundok na may hugis puswelong butas na nilalabasan ng mga nagbabagang bato kapag ito ay pumuputok.

Kapatagan (Plain) – Pantay at matabang lupa na pinagtataniman ng palay at gulay.

Kapatagan
Pantay at matabang lupa na pinagtataniman ng palay at gulay.

Lambak (Valley) – Patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok.

Lambak
Patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok.

Talampas (Plateau) – Halos pantay na lupa sa kabila ay pataas na nakapagitan ay isang bangin.

Talampas
Halos pantay na lupa sa kabila ay pataas na nakapagitan ay isang bangin.

Kuweba o Yungib (Cave) – Ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Kuweba
Ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Isla o Pulo (Island) – Bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig.

Pulo
Bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig.

Dalisdis (Cliff) – Mataas at matirik na batong pader.

Dalidis
Mataas at matirik na batong pader.

Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:

  • Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Isang halimbawa nito ay ang kapatagan ng gitnang Luzon.
  • Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Ang halimbawa nito ay ang Bundok Banahaw.
  • Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
  • Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
  • Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
  • Talampas — patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang mataas na lugar.
  • Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
  • Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
  • Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
  • Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
  • Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
  • Tangos — mas maliit sa tangway.
  • Disyerto — mainit na anyong lupa.
  • Kapuluan — mga grupo ng malalaki at maliliit na pulo na napapaligiran ng katubigan.

Basahin din: MGA ANYONG TUBIG

ADVERTISEMENT
loading...