Mga anyo ng tula

Atin nang natalakay ang kahulugan ng tula, ngayon naman ay ating aalamin ang mga anyo ng tula at bibigyan nating linaw ang bawat anyo nito.

Mayroong apat na anyo ang tula at ito ay ang:

Malayang taludturan – Ito ay isang tula na isinusulat nang walang sinusunod na patakaran kundi ang kung ano man ang naisin ng sumusulat.

Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ng isang Pilipinong makata na si Alejandro G. Abadilla. Ayon sa Alejandro, maaaring makalikha ng isang tula na walang sukat ang walang tugma. Ngunit dapat manatili ang kariktan, ito ay ang paggamit ng matatalinghagang pahayag na ipinakilala niya sa kaniyang tulang “Ako ang Daigdig”.

Tradisyunal na tula – Ito naman ay isang anyo na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Basahin: Kahulugan ng tula

Ang dalawang natitirang anyo naman ay walang espesipikong pangalan, maiintindihan na ito agad ng mambabasa. Ito ay ang May sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ngunit hindi lang diyan magtatapos ang lahat. Bukod sa kasalukuyang mga anyo ng tula, may tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na kinakailangang malaman ng lahat. Ito ay ang Diona, Tanaga, at Dalit.

Tingnan din: Mga Elemento ng Tula
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...