Mga Alamat

Ang mga alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwentong may mahiwagang pangyayari.

Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.

Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pangkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

Ito ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian, o kapaligiran. Ito rin ay tumatalakay sa mga katangiang maganda tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, sakim, o mapanumpa.

Ngunit sa bandang huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng mga makakabasa nito.

Nagkakaroon ito ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng mga sumulat o nagpapalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.

Mga Elemento ng Alamat

  1. Tauhan – Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel ginagampanan ng bawat isa.
  2. Tagpuan – Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
  3. Saglit na Kasiglahan – Ito naman ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  4. Tunggalian – Ito ay ang bahaging nagsasaad sa pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, kapwa, o sa kalikasan.
  5. Kasukdulan – Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
  6. Kakalasan – Ito naman ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting nitong pangyayari sa kasukdulan.
  7. Katapusan – Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Ngunit higit sa lahat, ay makakapulutan ito ng aral.

Basahin: Ang Maikling Kwento

Mga Bahagi ng Alamat

Simula – Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na kanilang ginagampanan.

Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.

Gitna – Kabilang naman sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng pandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.

Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan, samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.

Wakas – Kabilang sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Mga Halimbawa ng Alamat

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Mitolohiya

ADVERTISEMENT
loading...