Menudo

Ang menudo ay isang uri ng lutuing Pilipino na siyang patok sa panlasa ng mga Pinoy. Ito ay may maliliit at parisukat na hiwa ng mga karne at atay ng baboy.

Sinamahan din ito ng iba pang mga sangkap tulad ng patatas, kamatis, at pinasarap ng mga panimpla.

Bagaman sa istilo ng mga Pilipino sa pagluluto ng menudo ay nagumpisa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila dito sa Pilipinas. Ang pag-gisa ay isang pamamaraan ng pagluluto na itinuro ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Basahin: Ati-atihan Festival

Paano niluluto ang Menudo?

Naririto ang mga sangkap:

  • Isang kilong baboy
  • Kalahating kilo ng atay
  • Isang tasa ng kalamansi
  • Keso, carrots, siling pula
  • Isang kutsarang margarine
  • Patatas, asin, paminta, laurel, suka, isang tasa ng toyo, kamatis, bawang, sibuyas
  • Atsuwete at Garbanzo

Proseso:

  1. Hiwain ang baboy at ihiwalay ang mga taba
  2. Pakuluan ang mga naipong taba at iprito hanggang lumabas ang mantika nito. Itabi dahil dito igigisa ang ibang sangkap.
  3. Pagsama-samahin ang karne, keso, kalamansi, carrots, siling pula, margarine, patatas, asin, paminta, laurel, kamatis, sibuyas, bawang, suka, at toyo.
  4. Haluin upang manuot ang lasa, pakuluan hanggang 5-10 minuto.
  5. Igisa ang sibuyas, bawang, at kamatis sa minantikaang taba ng baboy.
  6. Isama na ang pinakuluang mga sangkap, ihuli ang atay para hindi ito tumigas.
  7. Iwanan hanggang lumambot ang karne, lagyan ng atsuwete bilang pampakulay.
  8. Pangwakas, ilagay ang garbanzos at maaari nang ihain ang menudong Tagalog.

Basahin din: Kare-Kare
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...