Mechado

Ang Mechado o Mitsado ay lutong Pinoy, isa itong putaheng pinoy na sinasahugan ng inasadong laman ng baka na merong sarsa ng kamatis. Ang baboy ay dapat walang halong buto at dapat haluan ng gulay para pangdagdag lasa rito.

BASAHIN : Salad | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Mechado ay kagaya rin ng ibang mga putaheng hinahaluan ng sarsa ng kamatis katulad ng Caldereta, Menudo at estofado. Ang pinagkuluan ng karne ng baka, tapos samahan mo pa ng toyo at sarsa ng kamatis ang nagpapalinang sa lapot at lasa ng sabaw.

Ibinigay ang pangalan mechado mula sa Espanyol na mecha, kung saan ang ibig sabihin ay hinigop. kung saan hahayaang higupin ng karne ng baka ang sabaw upang mas maging masarap at malasa ito.

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Mechado

3Kutsara ng Mantika
½ Ng Malaking pulang sibuyas ( Tadtarin )
4Na butil ng Bawang ( Tadtarin ng Pino )
1Kilo ng Baka ( puro laman at hiwain ng malalaking parte )
2Tasa ng Tomato Sauce
½ Tasa ng Toyo
2Tasa ng pinagpakuluan ng karne ng baka ( pwedeng 1 beef buoillon cube )
3patatas na hiniwa sa tig aapat na parte
1katamtaman na carrot ( Hiwain sa mga pirasong tig iisang pulgada ang haba )
2Red bell pepper ( hiwain lang sa apat )
Asin ( Depende sa panglasa/Timpla )

BASAHIN : Menudo | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Mechado

Una : Initin ang mantika sa isang kaserola, saka igisa ang sibuyas at bawang. At idagdag ang karne ng baka hanggang maging light brown.

Pangalawa : Idagdag ang tomato sauce, toyo, at ang pinagkuluan ng karne ng baka, pagkatapos ay pakuluin nang ilang minuto.

Pangatlo : Takpan ang kaserola at hayaang maluto sa mahinang apoy hanggang lumabot ang karne, humigit-kumulang sa 1 oras. Tingnan-tingnan ang niluluto sakaling kailangang magdagdag ng tubig o sabaw mula na pinagkuluan ng karne ng baka.

Pangapat : Kapag malambot na ang karne, idagdag ang mga patatas at carrots. Hayaang maluto sa loob ng humigit-kumulang sa 10 minuto. Huling idagdag ang bell pepper. Hayaang maluto nang mga 5 minuto bago ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...