Mayon Volcano

Ang Bulkang Mayon o Mayon Volcano sa Ingles ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay. Kilala ang bulkan dahil sa halos perpektong hugis apa nito.

Ang Mayon Volcano ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Ito rin ang unang hinayag bilang isang Pambansang Liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong Hulyo 20, 1938. Noong 2000, idineklara ang Mayon Volcano Natural Park.

Ayon sa mga bulkanohiya, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko nitong kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava.

Basahin: Mount Apo

Umabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nitong bulkan sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinaka-aktibong bulkan sa buong bansa.

Ang makasaysayang bulkang ito ay may naitalang 47 pagsabog, ang una ay noong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog hanggang sa kasalukuyan. Naitala ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkan noong ika-1 ng Pebrero taong 1814 na halos matabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at mayroong 1,200 taong namatay.

Ang bell tower na lamang ng simbahan ng bayan ang nakikita sa ibabaw ng lupa. Noong huling malakas na pagsabog taong 1993, Pyroclastic Flows kung tawagin, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao na karamihan ay magsasaka.

Basahin din: Mga Anyong Lupa
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...