Masskara Festival

Ang Masskara Festival ay ang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Lungsod ng Bacolod, kung saan ito ay sumasalamin sa mga Ilonggo bilang masayahin.

Ang okasyong ito ay nagtatampok ng mga kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa, karnabal, paligsahan sa kagandahan at katalinuhan ng mga Ilonggang dilag.

Kasaysayan

Ang Masskara Festival ay nagaganap tuwing ikatlong linggo ng Oktubre at inaabot ito ng isang linggo.

Ang Lungsod ng Bacolod na siyang kabisera ng lalawigan ng Negros Occidental ay nagkakaroon ng kumpetisyon sa pagsasayaw sa kalye kung saan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika.

Basahin din: Sinulog Festival

Ang salitang MassKara ay nagmula sa pagsasanib ng mga salitang Ingles na “Mass” at “Cara” para sa maraming tao.

Ang maskarang mukha ay kailangang nakangiti upang maipakita ng mga taga-Bacolod kung paano nakilala ang kanilang Lungsod bilang “City of Smiles”.

Ang taunang selebrasyong ito ay dinadayo ng mga dayuhan at inaabangan ng mga kababayan mapaloob man o labas ng bansa.

Ito ay isang napakasayang okasyon kung saan ang mga Ilonggoat mga pinoy na galing sa mga karatig lugar sa bansa ay nagtitipon-tipon upang magsaya at makigalak dito.

Basahin: Panagbenga Festival

Ang kapistahang ito ay nagsimula noong dekada ’80 bilang tugon sa dalawang malaking krisis na tumama sa lalawigan ng Negros. Una na rito ay ang paghihirap ng lalawigan dahil sa sobrang baba ng presyo ng asukal dail sa kompetisyon. At pangalawa, maraming Negrenses ang namatay sa isang sakuna na kinasangkutan ng isang malaking barko, ang Don Juan.

Sa pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ipinakikita ng mga tao ang kanilang katatagan at kakayahang labanan ang anumang krisis na darating o dumapo sa kanilang buhay.

Basahin din: Ati-atihan Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...