Masino Intaray

SI Masino Intaray ay isang kilalang makatang Pilipino, musikero at tanyag siya sa kanilang lugar dahil sa kaniyang husay sa pagtugtog ng katutubong musika.

Ipinagkaloob kay Masino Intaray at sa Basal and Kulilal Ensemble ng Makagwa Valley, Brookes Point, Palawan ang parangal na Gawad Manlilikha ng Bayan noong taong 1993.

Ipinanganak si Masino noong ika-10 ng Abril taong 1943 sa bayan ng Makagwa Valley at namuhay siya sa Brooke’s Point, Palawan. Kilala siya dahil sa kaniyang husay sa pagtugtog ng iba’t-ibang katutubong instrumento tulad ng basal o gong, aroding, at babarak.

Basahin: Kulintang

Kinilala ang kanilang kaalaman sa panitikan at musikang Palawan na patuloy nilang ibinabahagi lalong-lao na sa mga kasapi ng kanilang komunidad.

Mayroon silang dalawang pinakamahalagang ginagawang ritwal at ito ay tinatawag na tambilaw at tinapay. Ang unang pagsasagawa ng ritwal na ito ay ang sama-samang pagluluto ng bigas at pagbabahagi ng kanin. Isinasagawa rin dito ang pag-aalay kay Ampo’t Paray, ang kinikilala nilang Panginoon ng Palay.

Samantala, ang tinapay naman ay tawag sa seremonya ng pag-inom ng alak na gawa sa bigas. Sa mga okasyon o pagdiriwang katulad ng mga nabanggit, tinutugtog ang basal o gong ensemble.

Sa pagtugtog nito, ang siyang nagbibigay-buhay sa magdamagang pagdiriwang ng tinapay. Ang musika rin ng mga gong ang tulay upang makaulayaw ng mga Palawan ang Dakilang Diyos nilang si Ampo at si Ampo’t Paray.

Silipin din: Octavina

Sa kabilang dako naman, ang halimbawa ng kanilang panitikan ay ang kung tawagin ay kulilal at bagit, na naririnig din sa mga pagdiriwang.

Ang kulilal ay isang lirikong tula patungkol sa marubdob na pag-ibig, sinasaliwan ito ng kusyapi kung lalaki ang tumutugtog nito at pagang o kawayang sitara naman kung babae ang tumutugtog.

Bilang isang makata at musikero, dalubhasa sa mga nabanggit na sining si Masino Intaray. Bukod pa rito, mahusay din siya sa pagbigkas ng kanilang mga tultul o epikong-bayan, sudsungit (kwento), at tuturan (mitolohiya).

Basahin din: Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...