Mariano Ponce

Si Mariano Ponce ay isang Pilipinong manggagamot at isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda na nagpilit na mag-rebolusyon ang Pilipinas laban sa Kastila.

Siya ay isinilang sa Baliwag, Bulacan noong ika-23 ng Marso taong 1863. Ang kaniyang mga magulang ay sina Don Mariano Ponce at Maria delos Santos.

Nakapagtapos siya sa kursong arts sa Colegio de San Juan de Letran noong 1885 at kumuha ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay naging kalihim ng Asociacion Hispano-Filipino.

Ito ay isang organisasyon ng mga liberal na Español at Pilipino at ng kanilang kilusang repormista. Isa rin si Mariano Ponce sa tagapagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona, España noong Pebrero 1889.

Basahin: Banaag at Sikat

Noong panahon ng Propaganda, gumamit siya ng sagisag na Tikbalang, Naning, at Kalipulako sa kaniyang pagsusulat. Kilala rin siya bilang aktibong mananaliksik ng mga propagandista.

Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, ikinulong siya sa Barcelona. Lumipat siya sa Pransiya nang makalaya, pagkaraan ay nagtungo siya sa Hong Kong at naging kalihim ng Junta Revolucionaria ni Emilio Aguinaldo.

Bilang manunulat, nailathala niya ang mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila, Tagalog, at Ingles. Bilang tagapag-ambag sa Panitikang Pilipino, mula sa kaniyang panulat ang “Ang Alamat ng Bulacan”, isang katipunan ng mga alamat; Mga Kuwentong Bayan sa Lalawigan ng Bulacan; Ang Pagpugot kay Longinus, isang dulang itinanghal sa Liwasang Bayan ng Malolos; Ang Panitikan ng Kilusang Propagandista; Ang Makasaysayang Pag-aaral Tungkol sa Pilipinas, at marami pang iba.

Sa hindi inaasahang pangyayari, siya ay nagkaroon ng sakit na tuberculosis at namatay sa Hong Kong noong ika-23 ng Mayo taong 1918.

Basahin din: Florante at Laura
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...