Manila Hotel

Ang Manila Hotel ay isang makasaysayang gusali na matatagpuan sa tabi ng Look Maynila sa Roxas Blvd. Ito ang pinakamatandang premyadong hotel sa Pilipinas.

Itinayo ang Manila Hotel mula noong 1909 hanggang 1912—isa itong fivestar hotel na mayroong higit sa limang daang silid at suma-total na lawak ng lupa na nagsusukat ng 35,000 metro kuwadrado.

Inatasan ni William Howard Taft—isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas at pangulo ng Estados Unidos sa hinaharap, si Daniel Burnham na isagawa ang pagpapatayo ng hotel upang lumikha ng bagong plano para sa Lungsod ng Maynila.

Basahin: Boracay

Kasama sa plano ni Burnham ang isang hotel sa dulo ng bagong bulebard sa tabi ng baybayin. Kaugnay nito, inatasan ni Taft ang isa pang arkitektong si William Parsons upang magdisenyo ng isang hotel na magtataglay ng magagandang tanawin ng Look Maynila, Rizal Park, at Intramuros.

Makalipas ang ilang taon ng pagpaplano at paggawa, pinasinayaan ang hotel noong 1912. Maraming tanyag na personalidad mula sa Amerika at iba pang bansa ang bumisita at tumira sa hotel at sa mga sumunod na dekada.

Nagsilbi ring opisyal na tirahan ni Heneral Douglas MacArthur ang pinakaitaas na palapag ng hotel mula 1935 hanggang 1941.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Manila Hotel ay naging pansamantalang command post ni Heneral MacArthur, nakubkob ng mga Hapon, at nakaligtas sa pambobomba ng Maynila.

Noong 1976, sumailalim ang hotel sa malawakang renobasyon at pagdadagdag ng kuwarto at ilang buwan matapos ang People Power Revolution noong 1986, isang pangkat ng mga pinunong sundalo ang naglunsad ng kudeta at kumubkob sa Manila Hotel.

Basahin din: Torogan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...