Mangga

Ang mangga o mango sa ingles ay kabilang sa genus Mangifera at tinaguriang Pambansang Prutas. Likas na matatagpuan ang mangga sa subkontinente ng Indyan lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-Silangang Asya.

Mayroong iba’t-ibang klase at karaniwang kulay ang prutas nito; mayroong kulay dilaw, luntian o pula.

Nagtataglay ito ng kakaibang amoy na aromatiko ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba’t-ibang sangkap o pabango.

Prinipriserba rin ang mga ito at ginagawang panghimagas o dagdag kasangkapan sa iba’t-ibang uri ng pagkain.

Maari rin itong gawing inumin tulad ng “mango shake” na kadalasang naibebenta sa mga partikular na kainan sa Pilipinas upang gawing panghimagas.

Basahin: Panlasang Pinoy

Iba’t-Ibang Uri ng Mangga

Mayroong manggang indiyano, manggang kinalabaw, manggang piko o manggang kahawig ng mansanas. Tumutubo ang mga ito sa mga bansang tropikal ang panahon ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika.

Mayroong taas ang puno ng mangga na nagmumula 50 hanggang 80 talampakan, para mapanatili ang kalusugan ng puno ng mangga, sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot, nakakatulong ito upang labanan ang mga insekto o peste.

Sa bansang Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras niluluwas ang prutas na ito palabas ng bansa upang pagkakitaan.

Basahin din: Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...