Malacañang

Ang Palasyo ng Malacañang (Malacañang Palace) ay ang opisyal na tahanan at opisina ng Pangulo ng Pilipinas. Makikita ito sa hilagang pampang ng Ilog Pasig.

Nagmula ang pangalan nito sa pananalitang “May lakan diyan” na nangangahulugang tirahan ito ng mataas na tao sa lipunan. Nanirahan dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa man ito naging tirahan ng punong tagaganap ng bansa.

Sa Kalye J.P Laurel, San Miguel, Maynila itinaguyod ang Malacañang at dito nanirahan ang lahat ng naging pinuno ng bansa mula kay Gobernador Heneral Rafael de Echague noong 1863, maliban kay Heneral Emilio Aguinaldo, hanggang sa kasalukuyan.

Basahin: Kapitolyo

Ang malaking bahay-na-bato sa pampang ng Ilog Pasig ay ipinatayo ni Don Luis Rocha noong gitnang bahagi ng 1700. Ang kaniyang bahay-na-bato ay ginamit na bahay pahingahan. Nang lumipas ang mahabang panahon, ipinagbili ni Don Rocha ang bahay-na-bato kay Koronel Jose Miguel Formento sa halagang isang libong piso.

Ipinagbili naman ng Koronel ang bahay sa pamahalaang kolonyal ng España noong ika-22 ng Enero taong 1825 sa halagang limang libong piso.

Noong 1863, winasak ng isang malakas na lindol ang palasyo ng gobernador heneral sa Intramuros kaya nagpasiya ang pamahalaang kolonyal na gamitin ang Malacañang bilang opisyal na palasyo at tirahan ng pinuno ng kolonya.

Malaki ang pinagbago ng palasyo mula nang ito ay mapasakamay sa pamahalaang kolonyal ng España. Niluwangan ang azotea, nagtayo ng mga bagong gusali sa paligid, at pinaganda pa ang hardin.

Pinalaki naman ng mga Amerikano ang nasasakupang lupain ng palasyo at nagtayo rin ng bagong gusali. Nanirahan din sa Palasyo ng Malacañang ang labing-walong gobernador-heneral ng España at labing-apat na gobernador sibil ng Estados Unidos.

Ang pinakaunang Pilipinong Pangulo naman na namuno at nanirahan sa palasyong ito ay si dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1935.

Basahin din: Camp Aguinaldo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...