Maguindanao Massacre

Ang Maguindanao Massacre ay isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao noong ika-23 ng Nobyembre taong 2009.

Ang kalunos-lunos na insidenteng ito ay isa sa mga pinakamalubhang karahasang pampolitika. Ito ay may tuwirang kaugnayan sa halalan para sa taong 2010.

Humigit-kumulang sa 64 na mga biktima ang nangamatay sa insidente habang 4 ang nakaligtas. Dahil marami sa mga biktima ay mga mamamahayag, kinilala ang insidenteng ito bilang “pinakamalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag”.

Mga Pangyayari

Pawang mga politiko at mga taga-suporta ng pamilya Mangudadatu ang mga biktima na ninais kalabanin ang pamilya ng Ampatuan na kasalukuyang naghahari sa lalawigan. Kabilang sa mga biktima ng insidente ay ang asawa ni bise-alkalde ng Buluan na si Esmael “Toto” Mangudadatu, Genalyn Tiamzon-Mangudadatu, ang isa pang bise-alkalde ng parehong bayan na si Eden Mangudadatu na isa ring kamag-anak, at 34 na mamamahayag. Karamihan sa mga napaslang sa insidenteng ito ay puro kababaihan.

Basahin: Araw ng Kalayaan

Habang patungo ang grupo ng mga Mangudadatu noong ika-23 ng Nobyembre taong 2009 sa kanilang destinasyon, ay hinarang sila ng isang armadong grupo. Kinalaunan ay di na sila nakitang muli hanggang sa nahukay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang 21 na katawan, kasama ang asawa ng Bise-Alkalde Esmael Mangudadatu, mga kababaihan, at mga mamamahayag.

Dahil sa pangyayaring ito, inatasan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na ilagay sa ilalim ng batas militar ang buong lalawigan. Hinihinalang ang pamilya Ampatuan ang utak sa miserableng pangyayari sa pamilya ng Mangudadati.

Ayon sa pamilya Mangudadatu, inakala ng grupo na ligtas na sila dahil sa kasulatan sa Koran na “bawal saktan ang kababaihan”.

Dahil sa insidente, idineklara ang isang “State of Emergency” o Katayuan ng Kagipitan sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat, at Lungsod ng Cotobato.

Matapos ang mahigit isang dekadang pananahimik sa kasong ito, sa pangunguna o sa labis na katapangang ipinakita ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, ang humawak sa kasong ito at nagbigay hustisya sa mga biktima. Napatunayang nagkasala ang magkapatid na sina Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan sa salang pagpaslang sa mga biktima ng Maguindanao Massacre.

Basahin din: El Filibusterismo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...