MAGKAIBIGAN

Magkaibigan, ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na handang gawin ang lahat para sa isa’t isa.

Ito ay kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na si Sky at si Nick na naninirahan sa probinsya, ang dalawang ito’y magkaibigan na simula pa nung mga bata sila hanggang sa tumungtong sa wastong gulang.

Mabait ang dalawa at mapagbigay sa kapwa, masunurin na mga anak at kahit kelan hindi pa binigo ang kanilang magilang, at dahil sa magkapitbahay lang sila araw-araw magkasama ang dalawa at halos magkasama sila sa lahat ng bagay ultimo sa problema.

Minsan kasi dumarating yung pagkakataon na pag may problema si Nick at syempre laging andyan palagi si Sky para sakanya kaya nga minsan napagkakamalan na silang magkapatid na dalawa.

Isang araw dumating yung isa pa nilang kaibigan galing maynila at dali-dali nila itong binisita, Ang kaibigan nilang ito ay nag ngangalang Jeff, Si jeff ay isang anak ng isang mayamang pamilya kaya siya ay laki sa layaw at magagarbong kagamitan.

BASAHIN : Pinoy Jokes

Nung dumating sila Nick at Sky sa bahay nila Jeff ay biglang nagulat ang dalawa ang laki na ng pinagbago nito na halos di nila makilala, ito’y tumangkad ng bahagya at halos nagkaron ng malaporselanang bala’t na akala mo halos di na lumalabas ng bahay.

makalipas ang ilang minuto napansin ni Jeff na may dalawang lalaki sa likod nya na mukang pamilyar at agad agad nya itong tinanong

Jeff : Oh! kayo na ba yan Nick at sky ?
Nick : Oo kami nga ito.
Sky : Kamusta kana ? laki ng pinagbago natin ah
Jeff : aba ang tatangkad nyo na din ah at ang gagandang lalake pa, ako eto ayos lang naman
Nick : ano dating gawi? sa tambayan
Jeff & Sky : tara!

dali dali nagtakbuhan ang tatlo papunta sa tambayan nila noon at halos hindi na nakapagpaalam si jeff sa mga magulang nito, pagkadating nila sa tambayan

Jeff : Aba ayos na dito ah, parang walang pinagbago
( nagtawanan sila nick at sky )
Nick : bakit ano bang inaasahan mo jeff ?
Sky : tagal mo din kasi nawala eh
Jeff : Oo nga eh namiss ko nga dito eh
Nick : Bakit kasi ngayon ka lang bumalik ?
Jeff : wala eh busy sa pag aaral sa maynila
Nick : iba talaga pag manila boy na eh
Jeff : Hoy! grabe ka Nick

Makalipas ang ilang oras na nakatambay nag uwian na ang tatlo sa kani-kanilang bahay, upang maghapunan sapagkat inabot na sila ng takip silim sa kanilang tambayan

Nick : Oh jeff bakit andito ka ?
Jeff : kakatapos ko lang kasi dumaan kila Sky at alam mo ba, sinasabi nya sakin na mabuti at dumating na ko kasi wala ka daw kwentang kaibigan
Nick : ha? sinabi nya talaga yun? ano naman rason nya para sabihin yun ?
Jeff : kasi gusto mo daw palagi kang angat sakanya at ikaw lang napapansin
Nick : Kahit kelan di ko ginawa yun sakanya kasi gusto ko kung ano natatamo ko o meron ako pareho kaming meron
Jeff : eh bakit ganun sinabi nya ? basta ang sabi nya sakin wala kang kwenta pagalit pa nga nung pagkakasabi nya, nga pala wag mo sasabihin na sinabi ko sayo ah, Oh sya uuwi na ko

BASAHIN : Bugtong Tagalog Part 2

Pagkatapos umalis ni Jeff, makikita sa mukha at sa mata ni Nick na nasaktan sya at hindi nya inaasahan na sasabihin sakanya iyon ni Sky ngunit ang hindi nya alam lahat ng iyon ay imbento lang ni Jeff para mag away sila.

Pagkatapos ng gabing iyon kinaumagahan dinalaw ni Sky si Nick sa kanilang bahay para ayain kila Jeff pumunta, sapagkat hindi nya ito nakita sa kanilang tambayan kaninang umaga

Nanay ni Nick : Nick! andito si sky hinahanap ka
Sky : Magandang umaga po tita pasensya na sa abala, Niick punta tayo kila jeff
Nick : ayoko akala ko ba wala akong kwentang kaibigan ?
Sky : ha! anong walang kwentang kaibigan sino naman nagsabi nyan sayo ?
Nick : Ikaw sino pa ba?
Sky : teka teka di kita maintindihan, umamin ka nga sino ba nagsabi nyan sayo ?
Nick : Si Jeff sinabi mo daw sakanya kagabi
Sky: Si jeff ? hindi naman kami nag kausap ni jeff pagtapos natin umalis sa tambayan, kung gusto mo puntahan natin sya para kausapin
Nick : Oh talaga! sige ng malaman natin ang totoo

Dali dali tumakbo ang dalawa papunta kila Jeff, halos di sila nagpapansinan at dahil si Nick ay mabilis tumakbo halos maiwan na nya si sky ng biglang.

Sky : Nick tumingin ka sa daan may humahataw na sasakyan sa likod mo
( at dahil malayo ang agwat nila hindi gaano marinig ni nick ang sinasabi ni sky kaya nung humarap sya sa likod, hindi inaasahang pagtalikod nya paharap eh nabangga sya ng humahataw na sasakyan, na naging rason upang humandusay sya sa kalsadang duguan )

Sky : Nick, Nick naririnig mo ba ko? Tulooooooooooooong, Tuloooooooong, Tulungaaaaaaaaan nyo kami

Makalipas ang ilang segundo napansin ng ilang kapitbahay ang dalawa at may mga nagmagandang loob na tulungan sila at ihatid si Nick sa Hospital.

BASAHIN : Alamat ng Saging

Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa ospital at idineretso agad si Nick sa Emergency room upang operahan, at dumating na nga rin ang magulang ni Nick at Sky sa ospital

Nanay ni Nick : Sky anong nangyare ?
Sky : nagmamadali po kasi kaming pumunta kila Jeff upang may itanong, eh gawa po ng ang bilis tumakbo ni Nick nagkalayo po kami ng agwat kaya po nung sinisigawan ko na sya tungkol sa sasakyan na nasa likod nya, hindi nya po ata ako naririnig kaya po nabangga sya
Nanay ni Nick : Diyos ko tulungan nyo po ang anak ko

Makalipas ang tatlumpong minuto lumabas ang doctor sa emergency room

Doctor : Sino po ang magulang ng pasyente?
Nanay ni Nick : Ako po doc
Doctor : ikinalulungkot ko misis, malubha po ang lagay ng anak nyo at kailangan po natin sya masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon sapagkat maraming nawala sakanya meron po bang type O sainyo ?
Nanay ni Nick : Ang asawa ko po kaso wala sya ngayon rito.
Doctor : Kailangan na po natin sya ngayon sapagkat pag pinagliban natin ang pagsalin ng dugo sakanya maari nya itong ikamatay
Sky : Ako po type O po ako, pwede po ba ako ?
Doctor : pwedeng pwede kaso kailangan natin ng Parents Consent bago ka makuhaan
( humarap si sky sa kanyang nanay at tatay upang huminging pahintulot )
Sky : Inay, Itay payagan nyo po sana ako mag donate ng dugo para kay nick parang awa nyo na po
Nanay at tatay ni Sky : Oo naman pinapayagan ka namin ano bang kailangan para masagawa na agad yan ?
Doctor : Kailangan nyo lang po pumirma sa kasulatan para po maumpisahan na

Makalipas ang ilang minuto na mapirmahan na ang parents consent, dali-daling kinuhaan ng dugo si Sky para maisalin kay Nick at makalipas ang ilang oras lumabas ulit ang doctor sa emergency room

Nanay ni Nick : Kamusta doc ?
Doctor : Succesful ang operation ligtas na po sya
Nanay ni Nick : Mabuti naman po maraming salamat po. maraming salamat din sainyo ng pamilya mo Sky

Pagkatapos ng pangyayaring iyon makalipas ang ilang linggo naging mabuti buti na ang lagay ni nick ngunit nananatili pa din sya sa ospital, kaya araw araw ay dinadalaw dalaw sya ni Sky ngunit masama pa din ang loob neto, di nya ito pinapansin o kinakausap manlang, ngunit patuloy pa din si Sky sa pagdalaw sakanya.

BASAHIN : Alamat ng Bahaghari

At makalipas ang tatlong linggo nakalabas na si Nick at tuwang tuwa ang lahat lalong lalo na si Sky sapagkat alam nilang okay na si nick. at sa pagkakataon din na iyon nalaman ni Nick mismo sa nanay nya na si Sky pala ang nag donate ng dugo sakanya para makaligtas kaya maluha luha si nick, sapagkat naalala nya yung ilang araw na dinadalaw sya ni sky at binabalewala nya ito.

Kaya pinuntahan nya si Sky sa kanila at nung makita nya ito agad syang humingi ng tawad at niyakap ito at nagpasalamat na buti nalang naging matalik na magkaibigan silang dalawa, at simula noon hindi na sila nag away pang muli, at dyan nagtatapos ang kwento ng Magkaibigan.

Nabitin ka ba sa kwento ng magkaibigan na ito ? huwag ka mag alala may mga ibang kwento pa tayo, maari lamang pinduting ang link na ito ( Noli Me Tangere )

ADVERTISEMENT
loading...