Magellans Cross

Ang Krus ni Magallanes (Magellans Cross) ay isa sa mga pinaniniwalaang unang krus na itinirik sa bansa. Sinasabing ipinag-utos ito ni Ferdinand Magellan.

Sa likod nito, ang dahilan ng pagtirik ng magellan’s cross ay tanda ng pagdating ng isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa España at ang unang nakarating sa Pilipinas para sa mga Europeo.

Itinayo ang orihinal na krus sa pagdating ng mga Europeo sa Cebu noong Abril 1521. Ayon sa palatandaan na nakapaskil sa paanan ng krus, ang krus na kasalukuyang nakatanghal sa publiko na gawa sa kahoy ng tindalo ay naglalaman ng mga labi ng orihinal na krus na itinirik mismo nina Magellan noong 1521 bilang paggunita sa pagbinyag sa Katolisismo kina Raha Humabon ng Cebu, sa kaniyang asawa, mga anak, at marami sa kanilang mga alagad.

Basahin: Sinulog Festival

Tampok ang magellans cross at tila dinarayo ito ng mga dayuhan, matatagpuan ito sa loob ng isang munti at pabilog na pabelyon sa tabi ng Basilica Minore del Santo Niño sa Kalye Magallanes sa poblasyon ng Lungsod Cebu.

Ang simbahang malapit sa kinatitirikan ng krus ay isa sa pinakamatanda sa bansa, maituturing ang krus at munting gusaling kanlungan nito bilang pinakamahalagang makasaysayang palatandaan at dambana ng Cebu.

Makikita naman sa kisame ng gusali ang isang miyural na naglalarawan sa unang Misa na ginanap sa bansa at ang pagbibinyag ng mga unang Kristiyanong Pilipino.

Basahin din: Dambana ng Kagitingan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...