Lumpiang Shanghai

Ang lumpiang shanghai ay isang pagkaing Pinoy na marahil ay namana natin sa mga Tsino. Ito ay dinala sa atin ng mga Intsik at naging popular na sa bansa.

Ang lumpiang shanghai ay ang itinuturing na pinaka-pangunahing lumpia sa panlasa ng mga Pinoy.

Kadalasan itong makikita sa mga handaan kapag mayroong nagaganap na okasyon o kasiyahan.

Basahin: Balut

Paano nga ba ginagawa ang Lumpiang Shanghai?

Naririto ang mga sangkap:

1/4 kiloginiling na karne ng baboy
1/4 tasasingkamas na tinadtad ng pino
1 butiltinadtad na bawang
1 pirasoitlog, binating bahagya
3 kutsaratinadtad na sibuyas
1 kutsaratoyo
1 kutsaritaasukal
1/2 kutsaritaasin
1/2 kutsaritapaminta
1 tasamantika
15 piraso lumpia wrappers

Proseso:

  1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa lumpia wrapper at mantika. Maaring kumuha ng konting sangkap at i-prito para matiyak kung tama na ang lasa.
  2. Balutin ang mga pinagsama-samang sangkap sa lumpia wrapper ayon sa nais na laki at haba.
  3. Lagyan ng tamang dami ng palaman ang lumpia wrapper.
  4. I-fold ang nasa ibabang parte ng wrapper at ang dalawang gilid, lagyan ng binating itlog ang dulong gilid ng wrapper at saka i-roll ang palaman.
  5. Magpakulo ng mantika sa isang kawali.
  6. Prituhin ang mga lumpiang shanghai na binalot.
  7. Pangwakas, hanguin at tanggalan ng mga natitirang mantika, at pwede mo na itong ihain.

Basahin din: Panagbenga Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...