Luis Taruc

Si Luis Taruc ay isang komunistang rebolusyonary sa Pilipinas. Siya ang pinuno at nagtatag ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap noong taong 1942.

Isinilang si Luis Taruc noong ika-21 ng Hunyo taong 1913 sa isang magsasakang pamilya sa bayan ng San Luis, Pampanga. Siya ay isang makabayan at lider ng mga Pilipino na kalauna’y naging mapaghimagsik na komunista.

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinangunahan niya ang pamumuno sa isang kilusan na kung tawagin ay Hukbalahap magmula noong 1942 hanggang 1954, ito ay isang grupo na nakilala sa kanilang mga pang-gerilyang paglaban sa mga mananakop na mga Hapon.

Pagkaraang makalipas ang digmaan, ibinuhos ng mga Hukbalahap ang kanilang pansin sa paglaban sa pamahalaan ni dating Pangulong Manuel Roxas na kung saan siya at ang pito pa niyang kasamahan sa Partido Komunista ay nahalal bilang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas.

Basahin: Kilusang Propaganda

Subalit, sila ay hindi pinagbawalang umupo sa opisyal na posisyon, nang sa gayon ay namundok na lamang silang muli at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa gobyerno.

Ang pinamumunuang grupo ni Taruc at tumutol sa kasunduang Parity Rights na kung saan ay nais ng Estados Unidos na panatilihin ang mga karapatan at interes ng mga Amerikano sa bansa bago pa man sumiklab ang digmaang pandaigdig.

Sa rurok ng katanyagan ng Hukbalahap, hindi maikakaila na nagkaroon ito ng lakas na umabot sa pagitan ng 10,000 at 170,000 na miyembro, karamihan dito ay mga magsasaka.

Nang maglaon, si Luis Taruc ay ipinagsakdal sa korte sa kasalanang paglaban sa gobyerno at terorismo, nahatulan siya ng 12 taong pagkakabilango. Siya ay pinalaya noong 1968 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matapos siyang makalaya, ipinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang mga gawain sa mga reporma sa lupa.

Basahin din: Ilustrado
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...