Lope K Santos

Si Lope K Santos ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog, dahil sa kaniyang angking husay, siya ay binansagang Ama ng Pambansang Wika at Balarila.

Siya ay isinilang noong ika-25 ng Setyembre taong 1879. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero.

Sa larangan ng panitikan ipinanganak si Lope K Santos sa Pasig, Rizal – bilang Lope C. Santos, ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan.

Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.

Taong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, tulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita.

Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita, at sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa siya ng Surian ng Wikang Pambansa.

Kabilang sa mga katawang nagbibigay ng parangal kay Santos, ay ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Blarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero taong 1900. Nagkaroon sila ng limang anak. Nang naglaon ay nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay niya ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.

Basahin din: Wika
Mi Ultimo Adios

ADVERTISEMENT
loading...