Liwayway Arceo

Si Liwayway Arceo ay isa sa mga nangungunang kuwentista, radio scripwriter, mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang Tagalog.

Isinilang si Liwayway Arceo noong ika-30 ng Enero taong 1920 sa Tondo, Maynila. Nakapag-aral siya sa Torres Highschool at nang makapagtapos ay pumasok siya sa Balita at naging unang babaeng kawani ng isang pahayagang Tagalog.

Gumanap din siya sa pelikulang Tatlong Maria kasama sina Carmen Rosales at Norma Blancaflor noong 1943. Nang muling alukin siya sa pag-arte, tinanggihan niya ito at mas pinili ang kakayahan niyang magsulat.

Noong dekata ’50, naisulat niya ang iskrip ng Ilaw ng Tahanan, ang unang radio soap opera sa bansa na nagtagal nang halos 10 taon. Siya rin ang nasa likod ng mga iskrip na binabasa noon ng mga gaya ni Tiya Dely Magpayo sa programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely noong mga taong 1960 hanggang 1990.

Basahin: Noli Me Tangere

Nakapag sulat si Liwayway Arceo ng mahigit 50 nobela, libong maikling kwento, sanaysay, at dramang panradyo. Naging tanyag ang kaniyang mga nobela tulad ng Canal de la Reina at Titser.

Umani naman ng mga parangal ang mga likha niya mula sa mga pangunahing institusyongg gaya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards, Catholic Mass Media Awards, Cultural Center of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas, Asian Catholic Publishers, at marami pang iba.

Basahin din: El Filibusterismo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...