Ang Liwasang Bonifacio ay binigyang-pugay ng bansa para sa buhay at mga ideyalismo ni Andres Bonifacio. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng Maynila.

Kinilala ang kaniyang makasaysayang tungkulin bilang “Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas” na pinangunahan ang mga Pilipino patungo sa kalayaan.

Pinagtibay ng lehislatura ng Pilipinas ang Act No. 2760 noong ika-23 Pebrero taong 1918 at inaprubahan ang pagpapatayo ng monumento bilang pagbibigay-pugay sa kaniya.

Noong ika-16 ng Pebrero taong 1921, sa bisa ng Act No. 2946 iprinoklama ang buwan ng Nobyembre ng bawat taon bilang araw ni Andres Bonifacio upang gunitain ang kaniyang mga pagpupunyagi para sa kalayaan at demokrasya.

Basahin: Rizal Park

Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag itong “Plaza Lawton” bilang paggunita kay Heneral Henry Ware Lawton, ang Amerikanong may pinakamataas na ranggo na napaslang noong Digmaang Pilipino-Amerikano.

Noong 1892, sumapi si Bonifacio sa La Liga Filipina ni Dr. Jose Rizal, at naging inspirasyon niya ito sa pagbuo ng katipunan at ng rebolusyon. Matapos madakip si Rizal, muling binuhay ni Bonifacio ang La Liga Filipina at itinatag ang Katipunan.

Ipinangalan kay Bonifacio ang liwasan noong 1963, ang sentenyal na kapanganakan ng Supremo. Subalit, patuloy pa ring ginagamit ang “Lawton” bilang pantukoy sa lugar dahil ito ay nakasanayan nang tawagin kaysa sa Liwasang Bonifacio.

Basahin din: Araw ng mga Pambansang Bayani
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...