Litsong Baboy

Ang Litsong Baboy o Lechon Baboy sa Kastila at Suckling Pig naman sa Ingles ay isang inihaw na buong baboy. Ito rin ay ang tinaguriang Pambansang Pagkain.

Karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig ang litsong baboy matapos itong maluto nang nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang uling.

Hindi matukoy na ang lechon ay hango sa Espanya ngunit madaming nagsasabi na nagsimula ito sa Kastila. Nagkaroon ng sariling bersiyon ang Pilipinas. Paborito itong kainin ng mga Pilipino kapag may handaan, salu-salo, o kahit anumang okasyon.

Ito ay nakakaakit ng mga bisita, kaya masasabing engrande ang isang pista kapag may nakahaing lechon baboy.

Basahin: Panlasang Pinoy

Bago lutuin o ihawin ang lechon, tinatanggal muna ang mga lamang loob ng baboy. Pagkatapos ay nilalagyan ng mga pampalaman tulad ng mga dahon ng mga halaman at gulay.

Pagkatapos ng paghahanda ng katawan ng baboy, tinutuhog ito ng isang mahabang kawayan, mula sa puwet hanggang sa bibig. Iniihaw ito sa ibabaw ng nagbabagang uling habang ang katawan naman nito ay iniikot-ikot upang maging balanse ang pagkalutong ng balat nito.

Ang resulta ay isang malambot, makatas at malasang karne na may napakalutong na balat. Ipinalalaganap ng lechon ang kakaibang kultura ng Pilipinas.

Maraming iba’t-ibang lasa ng lechon ang matitikman sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...