Lino Brocka

Si Catalino Ortiz Brocka na mas kilala sa pangalang Lino Brocka ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas, siya ay kilala maging sa ibang bansa.

Isinilang siya noong ika-7 ng Abril taong 1939 sa bayan ng Pilar, Sorsogon. Nagtapos siya nang may maraming karangalan sa Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija Norte at kasunod nito ay naging iskolar siya sa Unibersidad ng Pilipinas.

Kumuha siya ng Bachelor of Arts in English Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos.

Basahin: Severino Reyes

Kaniyang tinalakay sa mga pelikulang idinirihe ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas din ni Lino Brocka ang pagiging diretso sa kaniyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kaniyang mga pelikula.

Ang kauna-unahan niyang pelikula ay ang Wanted: Perfect Mother ng Lea Productions. Naging tampok ito sa takilya kaya sinundan pa ng Santiago noong 1970, Tubig sa Ginto, Stardoom, at marami pang iba.

Nagkaroon din siya ng sarili niyang produksiyon—ang Cine Manila na lumikha ng mga pelikulang pinuri ng mga kritiko gaya ng Tinimbang Ka, Ngunit Kulang noong 1974, at Tatlo, Dalawa, Isa.

Silipin din: Bodabil

Ang pagsangkot ni Lino Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas kilala na bilang Concerned Artist of the Philippines.

Sa kaniyang angking husay, ginawaran siya at kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula noong 1997. Tinanggap din niya ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts noong 1985, at marami pang iba.

Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa ring pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba’t-ibang henerasyon ang kaniyang obra dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa.

Basahin din: Liwayway Arceo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...