Leche Flan

Isa sa pinakamasarap na panghimagas ang Leche flan, kasi sino ba naman ang aayaw sa angking lasa na nito. At sa mga hindi nakakaalam ang Leche flan ay niluluto sa steam, at kung hindi nyo alam pano mag steam, hayaan nyong turuan ko kayo pano magluto nito gamit ang oven.

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang leche flan ay sikat na panghimagas na gawa sa gatas, prutas narangha, asukal at itlog, kung saan dapat ihihiwalay ang dilaw ng itlog sa puti. Meron din namang leche flan na simple lang yung kailangan.

Sa ibang lugar ang tawag dito ay Creme Caramel, ngunit sa ating bansa ito ay Leche Flan kung tawagin, ang pinang galingan ng pangalan nito ay Milk Flan, sapagkat gawa ito sa marami-raming condensed milk.

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Leche Flan

1⁄2 Tasa ng Puting Asukal
12Itlog
1Lata ng Condensed Milk ( 300ML )
1Lata ng Evaporate MilkL
1Kutsarita ng vanilla extract

BASAHIN : Espasol | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Leche Flan

Una : Sa bawat llanera, maglagay ng 3 kutsarang asukal. Ilagay ang llanera sa kalan sa mababang temperatura, at gamit ang sipit, galawin ang lllanera nang paulit-ulit hanggan sa matunaw ang asukal at mamula ang kulay.

Pangalawa : Patuloy na itagilig at iikot ang llanera para makasiguradong matunaw ang asukal at maikalat sa lapag ng llanera. Hanguin at hayaang lumamig at tumigas ang caramel.

Pangatlo : Sa di-kalakihang mangkok, paghaluin ang pula ng itlog, evaporated milk, kondensada, at vanilla extract. Haluin nang dahan-dahan at paikot hanggang maghalo. Gamit ang katsa o cheesecloth, salain ang hinalong itlog. Ibuhos ito sa nakahandang llanera.  

PangApat : Takpan ang mga llanera gamit ang foil at ilagay sa maayos na lalagyan na pwedeng gamitin sa oven, nang may 1 inch na tubig. I-bake sa 375 F sa loob ng 50 minuto hanggang 1 oras, o hanggang sa lumabas nang malinis ang nilagay na toothpick sa gitna ng leche flan.

PangLima : Hanguin mula sa oven, hayaang lumamig sa refrigerator. Kapag ihahanda, pasadaan ng kutsilgo ang buong gilid, at saka ibaliktad sa plato. Ihanda habang malamig.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...