Lazaro Francisco

Si Lazaro Francisco ay isang kilalang nobelista ng ika-20 siglo at itinuturing na isa sa matibay na haligi ng Panitikang Pilipino.

Ipinanganak si Lazaro Francisco noong ika-22 ng Pebrero taong 1898 sa bayan ng Orani, Bataan ngunit siya ay nagtungo sa Nueva Ecija upang tuluyan nang mamalagi doon.

Ilan sa mga isinulat niyang mga nobela ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang naisulat na nobela, ay ang Daluyong. Lahat ng kaniyang nobela ay nalathala sa Liwayway maliban lamang sa Bayang Nagpatiwakal.

Basahin: Filibustero

Si Lazaro Francisco rin ang tagapagtatag ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino o KAWIKA. Pinarangalan siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1970 at hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2009.

Nakapag-aral siya sa Central Luzon Agricultural School at kumuha siya ng kuro sa Ingles at book keeping. Naging isa siyang trabahador at kalaunan ay naging klerk siya sa isang provincial treasurer’s office.

Nang makapasa siya sa civil service examination, siya ay naging provincial assessor. Noong 1958, itinatag niya ang KAWIKA—isang samahan na naglalayon ng pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Silipin din: Noli Me Tangere

Nakamit niya ang gintong medalya para sa kaniyang nobelang isinulat na Sa Paanan ng Krus galing sa Ilaw at Panitik. Pinakamataas na karangalan para sa kaniyang Singsing na Pangkasal sa Commonwealth Literary Awards noong 1940, at marami pang iba.

Makikita sa kaniyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukang pagandahin ang Pilipinong daigdig sa pamamagitan ng kaniyang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Basahin din: Cirilo Bautista
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...