Lang Dulay

Si Lang Dulay ay isang Pilipinong maghahabi gamit ang tradisyonal na pamamaraan ng paggawa ng T’nalak—isang telang tinina na nagmula sa hibla ng abaka.

Isinilang si Lang Dulay noong ika-3 ng Agosto taong 1928 sa Lawang, Sebu sa rehiyon ng South Cotobato. Tinawag din siyang Prinsesa ng T’boli, at sa murang edad na 12 anyos, natuto siyang maghabi sa tulong ng kaniyang ina na si Luan Senig.

Isa ang T’nalak o tinalak sa mga pagkakakilanlan ng mga Tiboli. Noong unang panahon, pinahahalagahan ito hindi lamang dahil sa angkin nitong kagandahan kundi pati na rin sa halaga nito.

Basahin: Magdalena Gamayo

Katumbas nito ang kabayo o baka sa pakikipag-kalakalan at ipinagkakaloob na bigay-kaya sa pakikipag-isang dibdib. Nakakagawa siya ng mahigit 100 disenyo. Bukod sa mga itinuro ng kaniyang ina, hinahango niya sa mga panaginip ang kaniyang ibang disenyo.

Dahil dito ay kinilala rin siyang Tagahabi ng panaginip ng mga Tiboli, kabilang sa mga disenyong ito ang bulinglangit—mga ulap, bankiring, at kabangi o paru-paro.

Bawat disenyo ni Lang Dulay, ang kaniyang mga likha ay sumisimbolo sa tradisyon at kultura ng mga Tiboli. Kinakatawan nito ang pula para sa katapangan, paninindigan, at pagmamahal ng mga Tiboli samantalang ang itim ay sumasagisag sa kanilang pagpupunyagi bilang isang lipi.

Silipin din: Abaniko

Ibinabahagi ni Lang Dulay ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo ng sining na ito sa mga kababaihang Tiboli. Kaugnay nito ang pagtanggap niya ng karangalan ng Gawad Manlilikha ng Bayan na iginawad sa kaniya noong 1998 para sa pagpapanatili ng tradisyon ng mga Tiboli.

Sa kasawiang palad ay binawian ng buhay si Lang Dulay noong ika-30 ng Abril taong 2015 dahil sa mild stroke.

Basahin din: Salinta Monon
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...