Lakandula

Si Raha Lakandula o mas kilala rin bilang “Ang Dakilang Raha ng Tondo” ay ang bukod tanging may pribilehiyo nang hindi pagbayad ng buwis sa mga hanap-buhay.

Subalit hindi nagtagal ang kaginhawaang ito, dahil ito ay ipinatigil ni Gobernador Lavezares. Ito ang naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga Kastila.

Ngunit nang makita ni Lakandula ang malakas na hukbo ni Legazpi, dahil alam niyang malakas ito, agad niya itong sinalubong at nakipagkaibigan siya kay Legazpi.

Pinakiusapan niya si Raha Sulayman na tanggapin na ang pamamahala ng mga dayuhan, ngunit hindi maatim ni Raha Sulayman na makipagkaibigan sa mga EspaƱol. Kaya ang ginawa ni Raha Sulayman ay tinipon niya ang kaniyang mga tauhan at muling sinunog ang Maynila at agad na tumakas.

Basahin: Ferdinand Magellan

Lulan ng 40 malalaking bangka, patungo sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga at namamaybay sa Tondo sa bandang Bankusay. Hindi natukoy kung siya ay tumakas o namatay sa labanan.

Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ng mga Kastila. Taong 1587 naman ay ipinagpatuloy ito ng anak ni Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang pribilehiyo nilang hindi pagbabayad ng buwis.

Ipinangalan sa kaniya ang Orden ng Lakandula, ang isa sa pinakamataas na gawad na ibinibigay ng Republika ng Pilipinas.

Basahin din: Komonwelt ng Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...