Laing

Ang Laing ay isang Pagkaing Pinoy kung saan ang mga sahog nito ay napakadaling hanapin lang, sapagkat ang mga pangunahing sangkap lamang nito ay dahon ng gabi, gata, bawang, berdeng sili at paminta. Pwede ninyo rin ito haluan ng iba pa depende sainyong panlasa kagaya ng baboy, isda o hipon.

BASAHIN : Chopsuey | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Marami sa ating mga pilipino ay paborito ang laing, ngunit ano nga ba ang laing?

Ang Laing ay lutong pinoy na ginagamitan ng Gata at dahon ng Gabi, kilala itong laing lamang sa kamaynilaan nguni’t tinatawag talaga itong Pinanga’t sa bayan ng Bicol.

Ang Laing ay nagmula sa Bicol sapagkat sa kanilang lugar ay kahit san ka pumunta, karamihan ng mga bahay rito ay puro pinangat ang inihahain. Dahil bawat bahay rito ay may gabi na tanim.

BASAHIN : Tinola | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Laing

100 Gramo ng dahon ng Gabi
2Hiwa baboy sa tig 1/4 na hiwa ang liit
1-2Kutsara ng Hipon
2Butil ng bawang ( Hiwain )
3Tasa ng Gata
1Luya na kasing laki ng hinlalaki ( Hiwain ng pahaba )
4Piraso ng Siling berde
2Siling Labuyo ( hiwain ng maninipis )

BASAHIN : Sisig | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Laing

Una : Sa isang malaking kawali, sa katamtamang init, ilatag ang mga hiwa ng baboy at lagyan ng tubig hanggang matakpan lahat ng laman. Takpan ang kawali at hayaang maluto ang laman. Hintaying matuyo ang tubig at lumambot ang taba ng baboy.

Pangalawa : Pagkatapos lumambot ng taba ng baboy ay isama ang bagoong alamang, bawang, gata, at luya sa kawali at haluin sa loob ng 2 minuto. 

Pangatlo : Idagdag ang dahon ng gabi at hayaang sipsipin nito ang gata. Huwag haluin ang mga dahon ng gabi. Hayaang kumulo ito at matuyo, aabutin ito ng kulang-kulang sampung minuto.

IkaApat : Idagdag ang kakang gata o coconut cream, siling pansigang, at siling labuyo. Muli, hayaan itong kumulo at matuyo ng 10 minuto. Dagdagan pa ng sili kung nais ng mas maanghang na timpla. Ihain kasama ng mainit na kanin at iba pang ulam.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...