La Solidaridad

Tinawag na La Solidaridad ang samahan ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na naghangad magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales.

Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na naitatag noong ika-13 ng Disyembre taong 1888.

Ang naging pinuno o pangulo ng samahang ito ay si Galicano Apacible, pinsan ni Dr. Jose Rizal. Ang mga ibang naging opisyal ng samahan ay sina Graciano Lopez Jaena na hinirang bilang pangalawang pinuno, at si Mariano Ponce na siyang ingat-yaman.

Basahin: Mi Ultimo Adios

Ang pahayagan na ito ay lalong nagpalakas sa samahan at naging opisyal na pahayagan nito mula noong ika-15 ng Pebrero taong 1889 hanggang ika-15 ng Nobyembre taong 1895.

Ang mga donasyon ng mga komiteng lokal at ang pamamahagi nito sa taong-bayan ay lalong nagpalakas na sumama ang mga indibidwal sa kampanya para sa mga pagbabago.

Ang dyaryong La Solidaridad ay may tatlong bahagi:

  • Pampolitika na pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar
  • Panitikan na pinangunahan naman ni Mariano Ponce
  • At Rekreasyon na pinangunahan ni Tomas Arejola

Nabuwag ang samahan dahil sa kaubusan ng pondo kaya naipahayag nila ang kanilang pinakauna at pinakahuling dyaryo.

May napabalitang may namatay na upang magbigay lamang ng pondo para sa pahayagan ng La Solidaridad, mayroon namang mga nagkasakit dahil dito. Kalauna’y nagbaklas si Rizal sa samahan at unti-unting naglaho ang pangkat na La Solidaridad.

Mga Miyembro ng Samahan

Dr. Jose Rizal(Laong Laan at Dimasalang)
Marcelo H. del Pilar(Plaridel)
Graciano Lopez Jaena(Diego Laura)
Antonio Luna(Taga-Ilog)
Mariano Ponce(Tignalang, Kalipulako, Naning)
Jose Maria Panganiban(Jomapa)
Dominador Gomez(Ramiro Franco)

Iba pang mga miyembro:

  • Dr. Pedro Paterno
  • Antonio Maria Regidor
  • Isabelo delos Reyes
  • Eduardo de Lete
  • Jose Alejandrino
  • Juan Luna
  • Miguel Moran
  • Felix Hidalgo
  • Pedro Serrano

Basahin din: El Filibusterismo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...