Kutsinta

Ang Puto Cuchinta o kilala sa tawag na Kutsinta ay isang uri ng Steamed Rice Cake na nagmula sa Pilipinas na sikat na sikat na nilalako ng magpuputo, karamihan ng may paborito rito ay kabataan dahil sa angkin nitong lasa, sapagkat gawa ang Kutsinta sa Tapioca, harinang gawa sa bigas, Asukal na pula at lihiya.

BASAHIN : Laing | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Sinasabing ang salitang Kutsinta ay nagmula sa salitang Tsino na ‘Kueh Tsin Tao’. Ang salitang ‘Kueh’ sa wikang Hokkien ay nangangahulugan ng isang maliit na steamed cookie na panghimagas. 

Isang uri ng puto ngunit tila jelly ang texture dahil sa sangkap nitong lihiya, ang puto kutsinta ay meryendang nakagisnan na nating mga Pinoy at makikita saan mang dako dito sa ating bansa. Madalas ibinibenta ito na may kasamang ginadgad na niyog para ibudbod sa ibabaw at karaniwan na rin itong itinatambal sa puto.

BASAHIN : Ginisang Monggo | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Kutsinta

1Tasa ng Harina
1Tasa ng Pulang Asukal
2Tasa ng Tubig
1Kutsarita Lihiya ( Depende sa panglasa )
1Kutsarita ng Atsuete
1Kutsarita ng Food coloring ( Depende sa timpla at lasa )

BASAHIN : Sinampalokang Manok | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Kutsinta

Una : Lagyan ng tubig hanggang kalahati ang pasingawan at pakuluin. Sa isang mangkok, paghaluin ang mga sangkap, kasama ang 2 tasang tubig, Haluin ng mabuti.

Pangalawa : Salain at punuin ang bawat butas ng muffin pan. Pasingawan nang 10 hanggang 20 minuto.

Pangatlo : Palamigin bago alisin sa pan. Ihain kasama ng ginadgad na niyog. ngunit sa ngayon meron ng mga bagong bersyon ng Kutsinta, meron ng ibang nagtitinda na nilalagyan nila ito ng Peanut butter sa ibabaw.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...