Kubing

Ang kubing o jaw’s harp ay katutubong instrumento ng mga Pilipino na yari sa kawayang may sukat na 7 pulgada pahaba, 1/2 pulgada ang lawak at 1/8 ang kapal.

Tinutugtog ito sa pamamagitan ng pag-ipit nito sa pagitan ng mga labi at pag-pitas ng dulo nito. Ang bibig natin ay ang nagsisilbing resonator, at maaaring mabago ang tunog sa pamamagitan ng pagmanipula sa hugis ng bibig.

Matatagpuan ang kubing sa buong Pilipinas, ang kubing na gawa sa kawayan ay maaari lamang ipuwesto sa pagitan ng mga labi ng musikero. Samantala, ang metal na kubing naman ay maaaring nakadikit sa mga ngipin ng musikero.

Basahin: Jose Maceda

Kadalasan din itong ginagamit upang gawing pang-komunika gayundin sa pangliligaw, tinatawag din itong kulibaw sa Isabela, kuribaw naman sa Cagayan, kobing sa mga taga-Maranao, at kulaing sa mga Tausug.

Ang instrumentong ito na gawa sa kawayan ay maaaring makilala sa iba’t-iba nitong pangalan o tawag tulad ng, aribaw at kuribaw, pulibaw, subing, barimbaw sa Tagalog, kinaban, at aroding.

Ang metal naman nitong bersiyon ay kilala sa tawag na afiw, olat, onnat, at giwong sa Kalingga; abiteng at awideng sa Bontok; at bi-ong at biqquing naman sa mga Ifugaw.

Basahin din: Alamat ng Palendag
Philippine Musical Instruments

ADVERTISEMENT
loading...