Komandante Heneral | Miguel Malvar

Si Miguel Malvar ay isang Pilipinong Komandante Heneral na naglingkod noong Himagsikan ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsasagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

  • Komandante Heneral

Miguel Malvar

Miguel Malvar
Photo from: Google

Si Miguel Malvar y Carpio ay ipinanganak noong 27 Setyembre 1765 sa Santo Tomas, Batangas. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko ni Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901.

Naging isang gobernadorcillo si Malvar noong 1892. Sumali siya sa Katipunan at sa pagsiklab ng rebolusyon ay pinamunuan niya ang isang maliit na puwersa laban sa militar ng Espanyol sa Tagaytay, Batangas. Ang kanyang ama ay naaresto at pinahirapan, ngunit nagawa niya itong mailigtas. Matapos nito, siya at ang kanyang mga tauhan ay tumakas sa Tagaytay at sumali sa mga rebolusyonaryong pwersa sa Cavite.

Di naglaon, ipinadala siya ni Aguinaldo upang magtanggol sa tulay ng Zapote kung saan nakipaglaban siya kasama si General Edilberto Evangelista, subalit namatay siya sa labanan. Ito ay itinuturing na isa sa mga matitinding balakid ng rebolusyon. Pagkatapos ng pakikipaglaban sa Zapote, nakipaglaban siya sa Indang, Bailan, Magallanes at Alfonso. Noong 31 Marso 1897, itinaas ang kanyang katungkulan bilang tenyente heneral. Sa organisasyon ng rebolusyonaryong gobyerno at ng pamahalaang pampook ng Batangas, siya ay itinalagang pinuno ng lalawigan.

Pinili siya bilang unang kahera administrador sa mga pondo ng rebolusyonaryo. Mga isang buwan pagkatapos ng pagbabalik ni Aguinaldo, sumunod siya kasama ang may 2,000 na riffles. Nang pinangalanan siya bilang Komandante Heneral sa katimugan ng Luzon, inorganisa niya ang mga pwersa sa mga lalawigan ng Batangas, Mindoro at Tayabas. Itinatag niya ang kanyang punong tanggapan sa Lipa, at responsable sa samahan ng mga ekspedisyon ng militar sa Mga Isla ng Visayas.

Ngunit ang paglaban sa mas malakas na kaaway ay naging mahirap para sa puwersa ni Malvar. Nilipon ng mga militar ng Amerika ang mga sibilyan sa kanilang military zone. Sinunog nila ang mga nayong laban sa kanilang pananakop kasama ang mga pananim at hayop. Ang kanilang pangunahing layunin ay gutumin ang mga gerilya. Bilang resulta, ang mga lider ng gerilya ay nahuli o napilitang sumuko. Noong Oktubre 1901, sumuko si Heneral Juan Climaco at Arcadio Maxilom sa Cebu, General Quintin Salas sa Iloilo. Nahuli si Heneral Vicente Lukban sa Samar noong 27 Pebrero 1902. Nang sumunod na buwan, sumuko naman si Heneral Mariano Noriel sa Cavite.

Gayunpaman, malakas ang paniniwala ni Malvar na maipagpapatuloy niya ang laban para sa kalayaan ng kanyang bansa, kahit pa ang kanyang mga tauhan ay nabawasan at ang kanilang mga armas at mga sandata ay unti-unting naubos. Dagdag pa dito ang gutom, pagod at pagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na pagmamartsa sa kagubatan habang ang mga sundalong Amerikano ay patuloy na tumutugis sa kanila.

Bilang pagkilala sa kanyang kapansin-pansin na tapang at pagkamakabayan, binigyan siya ng awtoridad ng Amerika ng isang marangal na pakikitungo. Siya ay hindi pinabilanggo o ipinatapon. Pinahintulutan siyang umuwi at mamuhay nang mapayapa kasama ng kanyang pamilya at mga kasamahan. Siya ay muling sumabak sa agrikultura at komersyo. Kalaunan siya ay inialok sa pagka-gobernador ng Batangas ngunit magalang niya itong tinanggihan.

Sa kasamaang palad, namatay siya sa sakit sa atay sa Maynila noong 13 Oktubre 1911, sa edad na 46. Ang kanyang mga labi ay dinala sa Santo Tomas, Batangas at inilibing na may mataas na parangal mula sa militar.