Katipunan

Ang Katipunan ay ang pinaikli at mas kilalang pangalan ng samahang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na itinatag ni Andres Bonifacio.

Kasama sina Valentin Diaz, Teodora Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at iba pang kasapi sa isang bahay sa Kalye Azcarraga na nagtatag ng Katipunan.

Noong ika-7 ng Hulyo taong 1892 ito sinimulang binuo sa mismong araw nang pagtapon kay Jose Rizal sa bayan ng Dapitan.

Ilan sa mga layunin ng Katipunan ay ang makamtan ng Pilipinas ang kalayaan mula sa kolonya ng España sa pamamagitan ng paghihimagsik, maipalaganap ang kagandahang-loob, kabutihang asal, katapatan, katapangan, at ang paglaban sa bulag na pagsunod sa relihiyon.

Basahin: Liwasang Bonifacio

Gayundin ang pagtulong at pagtatanggol sa mga mahihirap at inaapi, ito rin ang samahan na nakapaglunsad ng isang organisado at malawakang paghihimagsik laban sa pamahalaang Español.

Tatlong lupon ang namamahala sa samahang ito—ang Kataas-taasang Sanggunian na pinamumunuan ng Pangulo; ang Sangguniang Bayan at Balangay na kumakatawan sa mga lalawigan at bayang may presensiya ang samahan; at ang Sangguniang Hukuman na lumilitis sa mga kasaping naakusahang lumalabag sa mga patakaran ng Katipunan.

Dahil sa isang pagiging lihim na samahan, isinailalim ang mga kasapi nito sa lubusang paglilihim at inaasahan sila na tumalima sa mga patakarang ipinapairal ng samahan.

Nang lumaki ang samahan alinsunod ng paglalathala ng pahayagang Kalayaan, nagkaroon ng tatlong antas ng kasapi ang samahan at ito ay ang: Bayani na siyang pinakamataas na antas, Kawal, at Katipon.

Nang madiskubre ng mga Español ang lihim na samahan, sinasabing may mga kasapi ito na higit sa 30,000 hanggang 100,000 sa Maynila at mga karatig nitong lalawigan.

Basahin din: Rebolusyong EDSA
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...