Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, nailathala ito noong 1887 sa Europa.

Hango sa Latin ang pamagat nito na ang kahulugan ay “Huwag Mo Akong Salingin (o Hawakan)” sa tagalog, at “Touch Me Not” naman sa ingles.

Sinipi ito mula sa Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na “Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking ama”.

Ang Kasaysayan ng Nobela

Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela na naisulat ni Rizal, inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

Maraming Pilipino pati na rin ang ibang lahi ang naimpluwensiyahan ng kaniyang aklat noong rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila.

Sinimulang isulat ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Ang kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ito ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya’t pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli.

Nang matapos ang kanilang usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:

“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol dito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon… pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim…”

Basahin: Buod ng Noli Me Tangere

Mga Pangunahing Tauhan

  • Crisostomo Ibarra
  • Maria Clara
  • Padre Damaso
  • Kapitan Tiago
  • Elias
  • Sisa, Crispin, at Basilio
  • Pilosopo Tasyo
  • Donya Victorina

Iba Pang Mga Tauhan

  • Padre Salvi
  • Padre Sibyla
  • Alperes
  • Donya Consolacion
  • Don Tiburcio de Espadaña
  • Alfonso Linares
  • Don Filipo
  • Señor Nyor Juan
  • Lucas
  • Tarsilo at Bruno
  • Tiya Isabel
  • Donya Pia Alba
  • Inday, Sinang, Victoria, at Andeng
  • Kapitan-Heneral
  • Don Rafael Ibarra
  • Don Saturnino
  • Balat
  • Don Pedro Eibarramendia
  • Mang Pablo
  • Kapitan Basilio
  • Tenyente Guevarra
  • Kapitana Maria
  • Albino

Basahin din: Kasaysayan ng El Filibusterismo
Panitikan ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...