El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay ang karugtong ng kaniyang unang nobela na pinamagatang Noli Me Tangere.

Kasaysayan ng El Filibusterismo

Inilalantad ng El Filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng ika-19 na siglo sa Pilipinas na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at tulad din ng Noli Me Tangere, nakasulat din ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Umalis si Rizal patungong Europa upang isulat ang kauna-unahan niyang nobela ngunit nagalit ang mga Kastila. Si Blumentritt ay isang matalik na kaibigan ni Rizal at isa siya sa mga nakakaalam sa mga balak ni Rizal na magsulat ng El Filibusterismo.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kaniyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal. Naglalahad dito sa isang mala-talaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema sa pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Basahin: Buod ng El Filibusterismo

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

  • Simoun
  • Isigani
  • Basilio
  • Kabesang Tales
  • Tandang Selo
  • Senyor Pasta
  • Ben Zayb
  • Placido Penitente
  • Padre Camorra
  • Padre Fernandez
  • Padre Salvi
  • Padre Florentino
  • Don Custodio
  • Padre Irene
  • Juanito Pelaez
  • Macaraig/Makaraig
  • Sandoval
  • Donya Victorina
  • Paulita Gomez
  • Quiroga
  • Juli
  • Hermana Bali
  • Hermana Penchang
  • Ginoog Leeds
  • Imuthis
  • Pepay
  • Camaroncocido
  • Tiyo Kiko
  • Gertrude
  • Paciano Gomez
  • Don Tiburcio

Tingnan din: Panitikan ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...