Kartilya ng Katipunan

Ang Kartilya ng Katipunan ay isa sa mga popular na akda ni Emilio Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan.

May katulad na akda rin si Andres Bonifacio na pinamagatang “Katungkulang Gagawin ng mga Z.LI.B”. Ngunit napagpasiyahan niya na ang isinulat ni Jacinto ang dapat ikabit sa sinusumpaang kasulatan ng magiging kasapi ng Katipunan.

Ang orihinal na pamagat ng akdang Kartilya ng Katipunan ay Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Noon pa man ay hinahangaan na natin ang mga matatalinghaga ngunit eksaktong pormulasyon ng mga tuntunin sa buhay na dapat sundin ng isang Katipunero.

Basahin: Babaylan

Ipinakikita sa akda ang unang pangungusap nito ay: “ang kabuhayang hindi ginugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lihim kundi man damong makamandag” na tila isang kredo hinggil sa paglilingkod sa bayan at kapwa tao.

Mapapansin sa Kartilya ng Katipunan ang tuntuning moral at etiko na nais pairalin sa Katipunan bilang tunay na kapatirang Pilipino. Idinidiin din nito ang pag-ibig sa kapwa at pagtutulungan; ang maniniwala sa katwiran; at ang pag-iingat sa dangal at puri bilang isang tao.

Gayunpaman, taglay ng akdang ito ang pangunahing mga simulaing demokratiko, tulad ng pagkakapantay-pantay ng tao anuman ang kulay ng balat, antas ng kabuhayan, at pinag-aralan.

Ipinapahayag din nito ang mataas na pagtingin sa kababaihan at ang mabigat na tungkulin ng lalaki na alagaan ang asawa at anak.

Sa pangwakas, iginiit ang pag-ibig sa kalayaan at ang kahandaan ng kasapi na ihandog ang sarili para sa bayang sinilangan. Wika nga ni Jacinto, ang “kamahalan ng tao” ay tinitimbang alinsunod sa “magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri”, at “marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan”.

Basahin din: Nasyonalismo
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...