Kare Kare

Ang Kare Kare ay isa sa pinakatampok na pagkaing Pinoy dito sa Pilipinas, at ito ay isang itinuring na tradisyunal na ulam na nagmula sa Sulu at Tawi-Tawi.

Ito ay isang lutuing Pilipino na may katas ng mani at mga laman at paa ng baboy o laman at buntot ng baka.

Kadalasang may bagoong na kasama para mas maging kaaya-aya ang lasa nito, maaari ring gamitin ang paa ng baka bilang pangunahing sangkap ng kare-kare.

Sa halip na sarsa ng mani, ipinamamalit kung pinsan ang gata ng buko sa paggawa ng nasabing putahe na kare-kare.

Basahin: Sinigang

Paano niluluto ang Kare Kare?

Naririto ang mga sangkap:

  • Isa’t kalahating karne ng baka
  • 10 tasa ng kumukulong tubig at 10 tasa ng malamig na tubig
  • bawang, pinitpit na luya, sibuyas, tinadtad na kamatis, sitaw, repolyo, talong, asin
  • 2 kutsara ng atsuwete, 1 tasang tubig na katamtaman lang ang lamig
  • 4 na kutsara ng peanut butter, 1 pakete ng kare-kare mix
  • Kalahating kilo ng pechay tagalog
  • 1/4 kilo ng abitsuwelas o baguio beans
  • Kalahating kilo ng bataw
  • Kalahating kilo ng sigarilyas
  • Puso ng saging

Proseso:

  1. Ihulog ang hiwa-hiwang karne ng baka sa kumukulong tubig. Dahan-dahan ito nang hindi ito mabanlian.
  2. Takpan at pabayaang kumulo sa loob ng pitong minuto
  3. Matapos palambutin ang karne, igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa mantika
  4. Takpan sa loob ng tatlong minuto, at haluin
  5. Isama ang mga pira-pirasong karne ng baka
  6. Takpang muli sa loob ng tatlong minuto
  7. Sa malalim na lutuan, isalin ang nagisang karne ng baka
  8. Ibuhos ang malamig na tubig at takpan
  9. Lutuin muna sa malakas na apoy
  10. Pag kumulo, halu-haluin, at hinaan ang apoy
  11. Takpang muli hanggang sa tuluyang lumambot ang karne
  12. Paminsan-minsan ay haluin upang hindi dumikit sa ilalim ng kaldero
  13. Kapag malambot na ang karne, isama ang kare-kare mix
  14. Katasin ang atsuwete sa isang tasang tubig, ihalo at ibuhos
  15. Kapag kumulo na ay isama ang bataw, sigarilyas, siyaw, at puso ng saging
  16. Halu-haluin at takpan sa loob ng limang minuto
  17. Isama ang peanut butter, at halu-haluin, isama ang abitsuwelas at talong, takpan.
  18. Pagkaraan ng tatlong minuto, isama ang repolyo, pechay, at asin tapos haluin ito
  19. Hinaan sa katamtamang apoy, at pabayaang kumulo ng tatlong minuto
  20. Pangwakas, ihain ito kasama ng bagoong alamang o binagoongang baboy.

Basahin din: Dinagyang Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...