Kapitolyo

Ang Kapitolyo ay hango sa wikang Español na capitollo na kung saan ay maaaring tumukoy sa pinakamahalagang bayan o lungsod sa bansa o gusaling panlalawigan.

Karaniwan ang kapitolyo ay isang sentrong pampamahalaan at pangkalakal, tinatawag din itong kabesera. May mga iilang halimbawa ng unang depinisyon ang Maynila na siyang kabesera ng bansang Pilipinas; Dumaguete bilang kabesera ng lalawigan ng Negros Oriental, at Marawi naman bilang kabesera ng Lanao Del Sur.

Gayunpaman, madalas nagtutugma ang lokasyon ng gusaling kapitolyo ng isang lalawigan sa pook na sentrong pampolitika at pangkabuhayan.

Basahin din: Batasang Pambansa

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pinakaunang naging kapitolyo ng bansa ay ang Intramuros dahil dito namalagi si Miguel Lopez de Legazpi bilang administrador o unang gobernador-heneral ng kolonya ng España.

Di naglaon, ang Malacañang ang naging tahanan ng mga gobernador-heneral na Español, na ipinagpapatuloy ng mga mananakop na Amerikano, at ipinamana sa mga Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Samantala, nabuo ang mga kapitolyo sa mga kabesera ng unang probinsiya sa panahon ng mga Español. Tinawag na alkaldiya—ang nangangasiwa ng mga lalawigan at alkalde-mayor—ang mga hinirang na gobernador.

Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag na gobernador ang mga tagapangasiwa ng probinsiya. Nakatira ang administrador sa kapitolyo ng isang gusaling kinalalagyan ng mga opisina ng pamahalaan.

Malimit ding nasa isang tampok na pook ang kabesera bukod sa magiging sentro ng nabuong mga kabeserang lungsod sa mga lalawigan.

Basahin din: Halalan
Comelec

ADVERTISEMENT
loading...