Kadayawan Festival

Ang Kadayawan Festival ay ipinagdiriwang sa Lungsod ng Davao, ito ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani.

Maihahambing itong kapistahan sa Pahiyas Festival na halintulad sa layuning makapagpasalamat sa Diyos at sa patron nitong si San Isidro Labrador.

Kasaysayan

Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang Kadayawan ay nagmula sa katutubong salita na “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw”.

Isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti, at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Basahin: Dinagyang Festival

Noong dekada ’70, pinangunahan ni Mayor Elias B. Lopez ang pista ng mga tribo sa lalawigan. Ang mga kinatawan ng mga grupong Bagobo, Manobo, Mansaka at Mandaya, mga Muslim at iba pa ay nagtitipon sa kapatagan upang mag-alay ng mga sayaw at ritwal ng pasasalamat.

Maraming mamamayan ng lungsod at turista ang dumadayo upang masaksihan ang mayaman at makahulugang kultura ng mga katutubo.

Noong dekada ’80, dahil sa mga isyung pangkapayapaan ay natigil ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival. Ito ay muling ipinagpatuloy noong 1986 dahil sa programa ng gobyerno na “Unlad Proyekto Davao”, na naglayong pag-isahing muli ang mga DavaoeƱo matapos ang Martial Law o Batas Militar.

Ang pistang ito ay nakilala sa tawag na “Apo Duwaling Festival”. Ito ay naglayong itaguyod ang Davao bilang isang payapa at maayos na lungsod.

Ang Apo Duwaling ay mula sa mga salitang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa, ang hari ng mga prutas, at waling-waling, reyna ng mga orkidyas at mga sagisag ng yaman ng Davao.

Basahin din: Ati-atihan Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...